SA ILALIM NG HUKAY | Draven Black
PAGSAPIT ng Semana Santa kung saan nagiging abala ang mga taga-Baryo Kanduma sa kanilang pagdiriwang nito, sinamantala ng grupo nina Kaloy ang pahuhukay sa lupa kung saan nakabaon ang kayamanan ng mga Delos Santos. Sila ang pinakamayamang pamilya sa baryo noong unang panahon.
At ayon sa mga kuwento, may isang kayamanan daw silang iniwan at ibinaon sa lupaing iyon ng baryo bago nila nilisan ang bansa.
Lima silang magkakasama sa grupo. Sina Kaloy, Aldrin at Makoy ang tagahukay sa lupa. Sina Enchong at Jepoy naman ang tagabantay sa paligid para magmanman kung may paparating.
Mahigpit kasing ipinagbabawal ng mga tagaroon ang pagpunta sa bahagi ng lupa na iyon kung saan nakalibing ang kayamanan ng mga Delos Santos. Sinumang mahuli ay makukulong at pagmumultahin. Ganoon katindi ang kapangyarihan at impluwensiya ng Delos Santos family. Kahit patay na silang lahat ay pinoprotektahan pa rin ng mga tagaroon ang kanilang mga naiwan.
Saglit na huminto si Kaloy nang makita ang pagbabalik nina Enchong at Jepoy mula sa bayan. "Ano, pare, kamusta ang lakad n'yo roon?"
"Busy silang lahat doon sa ginaganap na Senakulo. Ang dami ring taong nanonood doon. Ni wala nga kaming nakikitang nagpupunta rito, eh. Mukhang ligtas pa tayo," si Jepoy ang sumagot.
"Sige, magmanman lang kayo ulit. Kailangan pa rin nating makatiyak."
"Pero Kaloy, huwag mo sanang masamain, ah? May mapapala ba tayo rito? Totoo ba talaga 'yang kayamanan d'yan?" may pagdududa sa isip ni Enchong.
"Ano ka ba naman! Siyempre totoo 'yon! Magiging ganito ba sila kahigpit kung wala silang pinoprotektahang treasure dito?"
"Parang ang labo lang kasi, eh. Kaya raw binabantayan ang lugar na ito dahil dito raw nakalibing ang kayamanan ng pamilyang 'yon? Isipin n'yo na lang, bakit kailangan pang ibaon ng mga tao 'yong kayamanang iniwan dito ng mga Delos Santos na 'yon? Kung tutuusin, puwede na nilang angkinin 'yon dahil patay na rin naman 'yong buong pamilya at wala nang makakaalam. Puwede rin nilang ilagay na lang sa museum kung mahalaga talaga at hindi puwedeng angkinin. Bakit kailangan pang ibaon dito sa lupa? Like what the hell? Hindi ko gets ang logic nila!"
"Naku! Manahimik ka na lang baka masapak pa kita! Basta totoo 'yon at kung magtutulungan tayo makukuha rin natin 'yon!" katwiran ni Kaloy.
"Oo nga, Enchong. Bahala ka kapag nakita namin 'yon ikaw lang ang hindi namin hahatian," biro pa sa kanya ni Makoy.
"Naku! Bahala na nga kayo d'yan! Sige na babalik na kami sa bayan para magmanman!" biglang nag-iba ang ihip ng hangin kay Enchong. Ang bilis magbago ng isip basta hatian ang usapan.
Inabot sila ng hapon doon pero hindi pa rin nila natagpuan ang kayamanan. Ipinagpatuloy nila kinabukasan ang paghuhukay. Sina Enchong at Jepoy naman ay nagbalik muli sa bayan para magmasid.
Tulad ng kanilang inaasahan, abala na naman ang mga tao sa Mahal na Araw. Lahat sila ngayon ay nasa simbahan para sa Visita Iglesia.
Inabot ng gabi sina Kaloy sa paghuhukay. Ngunit sa pagkakataong iyon, may nakapa na silang matigas na bagay sa lupa. Tiniis nilang lahat ang pagod at tinodo pa ang paghuhukay. Ganoon na lamang ang pagkabigla nila nang tumambad ang isang malaking banga na kulay ginto.
"Ito na ba 'yon?" wika ni Aldrin sabay kuha sa Banga. May kabigatan ito kaya nagtulungan pa silang tatlo para lang maiangat ito sa lupa.
Di nagtagal ay bumalik na rin sina Enchong at Jepoy. "Ano, may nakita na ba kayo?" tanong ni Jepoy.
"Oo p're! Ito na! Nakita na natin!" sagot ni Makoy sa kanila.
Natawa si Enchong nang makita ang gintong Banga. "What the fuck, men? Iyan na ba 'yong sinasabi n'yong kayamanan ng mga Delos Santos? Putang ina kahit sino meron n'yan noong unang panahon, eh!"
BINABASA MO ANG
UNHOLY WEEK [Holy Week Special Horror Stories]
HorrorBawal sa mga relihiyoso. Narito ang mga kuwentong wawasak sa iyong paniniwala. Samahan mo ako. Sabay tayong masunog sa impiyerno!