Simbahan ng mga Aswang

265 23 1
                                    

SIMBAHAN NG MGA ASWANG | Draven Black

NAGISING na lang si Melisa na nakagapos na siya sa isang sulok kasama ang dalawa pang babae na tulad niya'y hubo't hubad din at nakatali sa kinaroroonan. Tatlo silang bihag sa madilim at masukal na silid na iyon. Hindi sila magkakakilala pero nagawa pa rin nilang magkausap-usap.

"Ano kaya ang gagawin nila sa atin?" mangiyak-ngiyak na tanong ng isang babae na nagpakilala bilang Nichole.

"Hindi ko alam. Wala rin akong alam. Basta nagising na lang ako kahapon nandito na ako. Tapos kaninang umaga kayo naman ang dinala rito," sagot ng isa pang babae na nagngangalang Fiona.

"Makakalabas pa ba kaya tayo ng buhay rito?" nawawalan na ng pag-asa si Melisa. Awang-awa siya sa kanilang tatlo roon. Bukod sa wala na silang saplot sa katawan ay bakas na bakas din sa kanilang mukha ang mga pasa. Halatang dumanas sila ng matinding bugbog bago ipinasok doon.

"Hindi natin kailangang sumuko. Magtulungan na lang tayong tatlo para makatakas dito," sabi ni Fiona.

"Pero paano? Kita mo ngang nakagapos tayo. Wala na tayong laban sa anumang panganib na naghihintay sa atin!" halos hindi na tumigil sa pag-iyak si Nichole buhat nang magising.

"Alam kong mahirap pero huwag lang kayong mawalan ng pag-asa. Habang wala pa sila, kailangan na nating magplano kung paano makakalabas dito!" tugon dito ni Fiona.

"Maiba ako. Tagasaan nga pala kayo? At paano kayo napadpad dito?"

"Dinukot ako ng mga sindikato noon habang naglalakad pauwi sa amin, tapos binenta nila ako sa mga taong namamahala sa lugar na 'to. Hindi ko nga kabisado 'to, eh. Malayong-malayo na ito sa amin," nag-uunahan pa ang mga luha ni Nichole habang nagkukuwento.

"Ako naman mas masaklap. Ginawa akong pambayad utang ng mga umampon sa akin sa mga taong namamahala rin dito. Hindi ako makapaniwalang gagawin nila 'yon," larawan ng pagkagalit si Fiona habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan.

"Ikaw ba? Paano ka napunta rito?"

Hindi agad nakasagot si Melisa. Naglakbay din ang isip niya sa nakaraan kung saan nagsimula ang lahat.

"May boyfriend ako noon. Napakabait niya sa akin. Binigay niya ang lahat ng makakaya niya para mapasaya ako. Pero dahil nga hindi siya mayaman ay agad din akong nawalan ng gana sa kanya noong makatagpo ako ng isang lalaki na talagang mayaman at may sariling sasakyan. Pero hindi ko inakalang paglalaruan lang pala ako ng hayop na 'yon. Pagkatapos niya akong gahasain, dito niya ako dinala. Ang huling pagkakarinig ko pa nga noon ay kakilala niya ang mga tao rito. Napakawalang hiya niya!" Hindi namamalayan ni Melisa ang pagpatak ng kanyang luha habang nagsasalita.

Kung alam lang niyang ganito ang mangyayari ay hindi na sana siya nagpatukso sa yaman at kapangyarihan ng lalaking iyon. Labis-labis pa rin ang kanyang pagsisisi dahil iniwan na lang niyang bigla sa ere ang nauna niyang nobyo na totoong nagmamahal sa kanya kahit mahirap lang ito.

"Puwede bang malaman kung ano ang pangalan ng lalaking nagdala sa 'yo rito?" tanong sa kanya ni Fiona.

"Henry ang pangalan niya."

"E, 'yong sinasabi mong boyfriend na iniwan mo, ano naman ang pangalan niya?" tanong muli ni Fiona.

"Siya naman si Marlo."

"So ano na ang gagawin natin? Paano tayo tatakas dito?" pakli ni Nichole sa usapan.

"Maraming mga gamit sa paligid. Maghanap tayo ng puwede nating ipangtanggal sa mga tali sa kamay natin," mungkahi ni Melisa.


Naghanap nga sila ng mga gamit doon na puwede nilang ipangkalas sa lubid na nakatali sa kanilang mga kamay.

Biglang nagbukas ang pinto. Iniluwa niyon ang apat na lalaking nakauniporme at nakasuot ng itim na kapa.

UNHOLY WEEK [Holy Week Special Horror Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon