[11]

26 15 0
                                    

CHUZELLE

The day ended yesterday with them talking with Darc. I didn't get jealous because I've always been alone yet I did get a little bit one, that they only showered him with their attention. And then today, which is another day, they still have the eyes for him. Binasura lang naman nila ako sa gilid pagdating ni Darc. Attention seeker.

Nandito ako ngayon sa isang sulok at pinagmamasdan lang sila na gawin ang kung anong gusto nilang gawin. I stayed at this corner as they all garnered themselves to him. Tsk. Parang ang galing galing niya pala?

"Chuzelle." I turn my head around and I spotted Daech. He's holding two mugs and he handed out the one to me. Nag angat muna ako ng tingin at nang makuha niya ang ibig sabihin ng aking pagtingin, he then, shakes his head.

"Hindi ko naman nilagyan ng lason ang kape. Don't worry, it's harmless and you won't die in here." I raised my brows and then grab the mug from his hand. Umupo naman siya sa katabi kung upuan kaya makahulugan ko siyang tinitigan pero hindi niya iyon nakuha.

I rolled my eyes and just let him sit at that side. Parang hindi niya talaga naiintindihan ang pinapakita ko.

"Matagal na pala kayong magkasama dito nina Darc?" Panimula kung tanong sa kaniya. If he wouldn't speak up then it's my time to ask. He stopped on sipping his coffee and gave me a stare and then nodded afterwards.

"Matagal ng kilala dito si Darc. He's known for being an expert on the city and he's also very good at hand to hand combat." Noong una kung nakita ang lalaking ito doon, naramdaman ko na parang ang laki ng kaniyang reputasyon. He was screaming authority back there, but now that he's here with me and started to take off that intensity screaming aura. I found out that he's not intimidating at all.

Bakit ko pa sinabi pa iyon?

"Talaga? Magaling siya sa hand to hand combat? Nakita mo na siyang lumaban? Nakalaban mo na ba siya?" Napatigil siya dahil sa sunod sunod na pagtanong ko. Pero kaagad naman siyang nakabawi kapagkuwan ay sinimulang buksan ang bibig para sagutin ang aking tanong. "Hindi ko pa siya nakalaban at hindi pa namin siya nakitang lumaban pero sabi kasi nila na napakagaling niya. Sabi sabi kasi nila iyon." Umiling ako sa aking narinig. Yun lang naman pala ang pinagbabasehan nila.

I am still greater than him.

"But, when I had a chance to fight with you. Noong time na ninakawan ka namin. I can say," tumigil siya at lumunok na para bang nagdadalawang isip na magsabi ng opinyon dahil baka may masama siyang maibuga, "you're great at fighting. Mas magaling ka pa makipaglaban kesa kay Jackus." Jackus? Ang daming pangalan dito. I am bad at remembering names so they must expect it from me, to not remember all their names one by one.

"Sinong Jackus? Isa din ba iyan sa mga lalaking malaki ang ulo at noo? Ang katulad na lalaking malakas ang siga?" Tumango tango naman siya bilang pagsang ayon sa akin. I knew it, sa pangalan pa lang siga na ang datingan. Though, I see his name as a bragging man with no fire to breath.

"Kayo? Kayo ni Darc. Gaano na kayo katagal magkaibigan?" I literally scoffed upon hearing what he just said. Magkaibigan? Ginagago ba ako nito. I don't have any friends and I don't want to have one. "Ilang taon na kayong magkasama?" Magkasama? That sounds like a question for in a relationship thingy.

"Matagal na kaming magkakilala ni Darc. He's been a very good friend to me and so am I to him." This sounds higher level than cringe but I don't like to say to them about the truth. Sino ba siya? "Really? Nagkasama na ba kayo sa isang bahay na natutulog?" What the hell is that question? May tulog ba itong lalaking ito at kung makatanong, abot ang langit dahil sa wala sa tamang pag iisip.

"Are you still on your right mind, Daech?" That was not a question about offending him but it's a question of reality. He really was offended when I asked him that. Nag iwas siya ng tingin sa akin bago sumagot. "Of course. Kakagising ko pa lang." Oo nga, kakagising lang dahil ang sabog nito. Wala sa tamang pag iisip, natutulog pa ata ang utak nito.

(District Series Two) The Deceiver [COMPLETED - NOT EDITED YET] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon