Kabanata 07

2.1K 251 254
                                    

Diary


May kalesa na naghihintay sa akin sa oras na makalabas ng Silong dala ang buslo na naglalaman ng hapunan. Kasama ko rin ang mga nagsisilbi sa Amira ngayong gabi. Sila ang samahan na may berdeng balabal. Nakasakay naman sa kabilang kalesa ang mga nakasuot ng asul.

Habang binabagtas ang daan patungong Casita Royale, napuna ko ang mga lampara sa tabi at sa paligid ng kagubatan ay mga nagliliparang alitaptap.

"Kumusta ka?" Pagbati ng isang kasapi sa akin. Ito'y kasing-tangkad ni Ha, singkit ang mga mata at malaki ang pangangatawan. "Ako nga pala si Ya." Pagturo niya sa sarili. "Ito naman si Wa, Ta, at U."

"Ikinagagalak ko hong makilala kayo." Sila ang aking napuna sa katabing silid na nagbuburda at gumagawa ng palayok.

"Ngayon lamang ako nakakita ng kasapi na baguhan na magsisilbi sa Mutia." Pagpuna ni Ta sa akin.

Ako'y nagtataka rin sapagkat ang may dilaw na balabal ay nananatili sa Silong hanggang sa matapos ang pag-aaral. Ang mga naka-berde at asul lamang ang nag-sisilbi sa nakatataas.

"Ikaw ang kamag-anak ni Da, tama?" Tanong ni Wa at napuna ko ang dalawang babae na nagbubulung-bulungan.

Napatango ako. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagkailang. Hindi katulad kay Sinko na kahit kakakilala ko pa lang ay magaan na ang loob ko sa kanya.

"Alam mo ba ang tungkol sa kasulatan ng Sikhay?" Pabulong na tanong ni U.

"Masyado pa siyang bata upang malaman iyon U." Pagsita ni Ya.

"Kung ganoon, bakit naroon si Ka sa Sikhay tuwing hapon?" Buwelta naman ni Wa.

"Shhh! Mukhang wala siyang alam." Bulong ni U at silang lahat ay napatingin sa akin bago nagbulung-bulungan.

Hindi alam ang alin?

Nagkaroon ng maraming ugat ng katanungan ang punla na naitanim kahapon. Bukod kay Padre Puraw, ngayon ay nasa aking isip si Ka.

Sinamahan ako ni Ginang O na kanina pa naghihintay sa aking pagdating. Pagkahubad ng suot na bakya ay tumungo kami sa silid ni Estelle.

Sa unang katok pa lamang ay nagbukas na ang kanyang pinto.

"Paumanhin, Mutia Estelle, kung kami ay natagalan." Yumuko ito ng bahagya kaya ganoon na rin ang ginawa ko. "Ito ho si Ba, ang may dala ng iyong hapunan."

"Maraming salamat." Sagot ni Estelle. "Kung maaari ay manatili siya sa aking silid. Mayroon lamang akong iuutos."

"Masusunod ho, Mutia Estelle." Muli itong yumuko bago ako balingan ng tingin.

Tumalikod ito kay Estelle upang ayusin ang nalukot na balabal sa aking balikat. Habang ginagawa niya iyon ay tinititigan ako nito na may pagbabanta. Katulad ni Ginang Ma, siya'y kinakabahan sa aking kilos at pananalita.

Napasinghap ako bago pumasok ng kanyang silid. Sa oras na nakapinid ang pintuan ay doon nagpakawala ng mahinhing tawa si Estelle.

"Tila sila'y kinakabahan saiyo. Ano ba ang iyong mga nagawa?"

Nilapag ko ang hawak na buslo sa kanyang mesa bago magsalita.

"Only honest mistakes." Sagot ko sa wikang Ingles.

"Puedo imaginar." Balik niya habang humahagikhik. "I can imagine."

Muli akong namangha sa kanyang pananalita. "Ikaw ay dalubhasa na sa wikang Espanyol."

"Napilitan lamang ako na aralin ito kahit ang wikang Pranses." Tumungo ito sa dala kong buslo at sinilip ang laman.

"Ikaw ba ang nagluto nito?"

ABELON (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon