Alitaptap
"Hoy! Ano ang iyong ginagawa?" Inilayo ako ni Sinko kay Tandang.
"Siya ang tutulong sa atin! Idinala siya ng kanyang ama rito upang itama ang kanyang mga pagkakamali!" Sigaw pa nito kahit naroon na ang bantay.
Dumating na ang ilan pang mga kawal habang hinihila ako ni Onse palayo sa karsel hanggang sa makalabas ng Kuta.
"Hindi ko maintindihan..." Tila wala ako sa sarili habang gumuguhit pa rin sa akin ang kanyang mga salita.
"Hindi mo iyon maiintindihan sapagkat siya'y baliw." Paliwanag ni Sinko at pilit akong kinakalma.
"Huwag mong paniwalaan iyon, binibini." Sambit naman ni Onse.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Tama sila, hindi dapat ako maniwala. May dahilan kung bakit ito nakakulong. Marahil ay may nagawa ito na labag sa utos ng Anta. Napatingin ako sa kalangitan, malapit nang dumilim at ihahatid ko pa ang hapunan kay Estelle.
"Kailangan ko nang tumungo sa Casita Royale. Ngunit bago iyon, nais ko itong ibigay saiyo." Kinuha ko mula sa buslo ang ibibigay para kay Sinko.
Kitang-kita ang galak sa kanyang mga mata.
"Maraming salamat, Ba." Hindi ko inasahan ang pagyakap niya sa akin. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Ito ang unang pagkakataon na may gumawa sa akin ng ganito."
Tinapik ko ang kanyang balikat at ngumiti. "Walang anuman."
"Salamat, bata." Sambit naman ni Onse na aking ikinahagikhik. Sinabayan nila ako sa paglalakad hanggang sa marating ang kalesa. "Siya'y iyong ingatan, kawal. Kapag may mangyari sa kanya ay malalagot ka sa akin." Pagbabanta nito sa kasamahan.
"Sa akin din." Segunda ni Sinko bago ako alalayan hanggang sa makaupo.
"Paalam." Sambit ko bago umusad ang kalesa.
Hindi pa ako kumakatok sa kanyang silid ay nagbukas na agad ang pinto ni Estelle. Sinalubong ako ng kanyang maalindog na mga mata na kahit kailan ay hindi ko matitigan ng matagal.
"Ikaw ay bahagyang natagalan, may nangyari ba?" Tanong nito sa akin nang makapasok.
Pagkalapag ng buslo sa mesa, napahinga ako ng malalim bago siya hinarap. "May isang kasapi ng Sikhay ang nakakulong sa Karsel. May sinabi ito na nagpagulo ng aking isip."
Napakunot-noo ito sa akin bago umupo. "Ano ang iyong ginawa roon?"
Sinaklaw ko rin ang silya sa kanyang harap. "Inihatid ko lamang ang tinahi kong rayadillo para kay Sinko. Habang nakaupo ako, tinawag ako ng isang ginoo ---"
"Ang nais manligaw saiyo? Siya'y si Sinko, hindi ba?" May bahid ng pang-hihinala ang kanyang tinig.
"Oo, ngunit siya'y kaibigan lamang." Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag.
"Walang namamagitan sa aming dalawa. Huwag mo itong pag-isipan ng masama." Marahil kaya ako nagpapaliwanag sapagkat siya'y isang Mutia at ako'y isang alipin. Katulad ko ay may utos din itong sinusunod.
Tumayo si Estelle at sumilip sa durungawan. "Natatakot ka ba na maaari kitang isumbong sa Anta?" Tanging likod lamang nito ang aking nakikita.
"May tiwala ako sayo, Estelle. Kailanman ay hindi ako matatakot sayo." Bahagya akong napayuko. "At walang dapat isumbong sapagkat siya'y kaibigan lamang."
"Alam mo ba ang parusa sa pakikipag-tipan sa kasapi?" Tanong nito at sa pagbigay ng sagot ay doon siya humarap sa akin. "20 lashes." Umangat ang titig ko sa kanya. "At hindi ko nanaisin na mangyari iyon sayo. Hindi lahat ay nakakaunawa sa pakikipag-kaibigan mo sa isang kawal. Maaaring may kasapi rito na pag-isipan kayo ng masama at makarating ito sa nakatataas." Lumapit ito sa akin.
BINABASA MO ANG
ABELON (Book 1)
Historical FictionAlba is having a hard time figuring out her purpose in life. She feels disconnected from her soul, and she would look in the mirror, but it wasn't really her that she saw. One of her secrets is that there's a young girl constantly living in her recu...