*Please guys, DO NOT COPY this book. Do not steal someone's idea.*
HULAGPOS
Isa. Dalawa. Tatlo.
Sisimulang pakawalan humuhulagpos na salita—kasinungaling hinabi ng nagmamalinis na dila. Akala ko kasi ay hawak ko ang lahat. Huli na nang malaman kong hindi pala ako ang makapangyarihan. Na ang mga pinatahimik na salita pala ang makapangyarihan. At hindi ako.
________________________________________________________________________________
"Miyerkules, Ika-21 ng Abril isang video ang lumutang kumakailan patungkol kay Adonis Imperial, dalawampu't dalawang taong gulang at nawawalang anak ng alcalde ng bayan ng San Angeles."
Huminto ang sunod-sunod na tunog na nagmumula sa lumang keyboard. Natigilan ang taong nagtitipa sa narinig saka itinuon ang mga mata sa balita. Sumulyap siya sa litratong nasa telebisyon saka muling binalingan ang computer.
"Matatandaang mahigit isang linggo nang hinahanap ng mga kapulisan ang taga-pagmana ng mga Imperial na nai-ulat na huling nakita kasama ang isang dalagang hindi pinangalanan ng mga pulis...Malaking dagok ito sa pagiging zero criminal record ng naturang bayan..."
Kilala niya ang lalaki sa balita. At kung alam lamang niyang mangyayari ito ay lumayo na sana siya nang makilala ito. Bago pa man siya tuluyang makatayo ay malakas nang tumunog ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Nangibabaw ang magkakasunod na tunog niyon sa buong silid. Hininaan niya ang telebisyon saka walang pag-aalinlangang sinagot ang cellphone.
"Hello?"
***
SA GITNA ng salu-salubong na mga tao sa loob ng terminal, nagmamadaling naglalakad si Ada. Nakabestidang puti siya at labit ang isang kahon at ang three inches heels na hindi na niya nagawang isuot dahil sa pagmamadali. Tinatagan niya ang bawat hakbang sa kabila ng panginginigng mga tuhod.
"Excuse me!"
Halos takbuhin na niya ang exit door sa terminal. Hindi niya pinapansin ang walang saping mga paa na unti-unti nang kinakapitan ng alikabok mula sa nilalakaran. Malamig ang marmol na sahig pero walang mas lalamig sa pakiramdam niya.
"Excuse me. Excuse me po!" Hangga't maari ay ayaw magsayang ng anumang segundo ni Ada makarating lamang sa presinto. Walang oras na dapat masayang.
Kamamadali ay hindi na niya napansin ang isang bultong pasalubong sa kanya.
"E-Exc— Shit! S-Sorry. Sorry po." Kumalat ang laman ng kahong dala niya. Tumalsik din ang hawak niyang heels.
"Sorry." Hindi na niya tiningnan ang nakabunggo sa kanya. Sa halip, dali-dali siyang yumuko saka mabilis na pinulot ang mga gamit na nahulog. Nang mailagay sa loob ng kahon ang mga gamit ay tumayo na siya saka tumalikod upang muling maglakad.
"Miss? 'Yong sapatos mo!" Habol ng nakabunguan niyang lalaki.
Napakunot ang noo niya nang mapasadahan ang mukha ng lalaki. Titigil sana siya nang muling tumunog ang cellphone. Bumaha ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ang pangalan sa screen. Hindi na niya nagawa pang balikan ang naiwang sapatos na hawak ng lalaki. Mabilis siyang tumakbo palabas ng terminal habang mahigpit na yakap ang kahon.
"Miss! May naiwan ka!" Rinig niyang habol na sigaw ng lalaki bago siya sumakay sa taxing naghihintay sa labas. Hindi na niya muling sinulyapan pa ang lalaki imbis ay mabilis na tumipa siya sa cellphone.
"Sa presinto."
Ilang minuto lamang ang itinagal ng biyahe papunta sa San Angeles' Police Headquarter. Pagdating sa presinto ay sinalubong siya ni SPO1 Mayumi Hernandez, dating kasamahan sa serbisyo ng yumaong ama niya.
BINABASA MO ANG
We All Lie
Mystery / ThrillerSoon to be Published under CLP. Sa bulong ng kasinungalingan darating ang kasalanang hindi kayang pawiin ng mga 'patawad'. *** Perpekto ang imahe ng bayan ng San Angeles hanggang sa mabahiran ito ng dugo nang lumitaw ang makapanindig balahibong 't...