MULI SA SIMULA
"Once, there were three pairs of shoes crossing the threshold of the bountiful town of San Angeles. After several days, one pair of shoes mysteriously disappeared.'
___________________________________________________________
Rada swiftly scanned the newly big hit novel with the title "We All Lie". It was written by an unknown author with Pseudonym of 'Renata'. Sa kabila ng pseudonym ay kilalang-kilala niya ang nagsulat ng librong iyon at sa tuwing binabalikan niya ang mga nakasulat sa libro ay napapa-ingos pa rin siya sa kagagawan ng kanyang anak. Mantakin ba naman kasing isulat at i-published nito ang kwento nila ng ama nito nang kabataan nila.
"Serah!" Matalim na tiningnan niya ang dalagang anak na bihis na bihis. Naka-black ripped jeans at white shirt ito na pinatungan ng blue denim jacket at nike white shoes. Nakasuot din ito ng gray beanie cap at backpack na itim. Walang pag-aalinlangang hinigit niya ang backpack nito sa likod nang akmang tatakas na naman ito sa kanya.
"At talagang ginawa mo pang libro ang buhay namin ng daddy mo! My gosh! Ano na lang sasabihin ng mga ninong at ninang mo? Na pinagkakakitaan mo ang kwento namin? Aba! Ikaw na bata ka. Hindi ka na nahiya," nakapameywang sermon niya sa anak na kilalang manunulat na ngayon matapos makalimbag ng maraming librong palaging naso-sold out.
"Come on, mommy. Syempre hindi ko naman mabubuo ang libro kung hindi ko sila ininterview. Pati si daddy inintervew ko para maging valid ang istorya medyo iniba ko lang ang mga pangalan at ilang eksena. Medyo alam mo na pina-intense ko lang. Ikaw lang itong ayaw sa akin magpa-interview mabuti nga main character kayo eh," busangot ng anak na gustong-gusto na niyang kurutin kung hindi lamang dahil sa asawa niyang niyakap siya patalikod at mabilis na kinintalan ng halik sa pisngi.
"Hi babe," bati ng asawa sa kanya bago balingan ang dalagang anak. "Serah, how was it? Big hit ba ang istorya namin ng mommy mo?" Inirapan niya si Caleb na mas lumitaw ang kagwapuhan at kakisigan sa uniporme nito.
Makalipas ang labing-walong taon ay director general na si Caleb, ito ang pumalit sa amang nag-retiro. Siya naman ay busy sa buhay may-bahay bagamat nagpipinta pa rin siya.
"Huh! kaya naman pala eh. Pasimuno ka ring lalaki ka," naiinis na ani Rada bago pabirong pingutin ang mister niya.
"Naku. Kung hindi ko lang kayo mahal. Bilisan n'yo na baka tayo na lang ang hinihintay sa sementeryo. And you." Hinarap ni Rada ang asawang nakayakap pa rin sa kanya at tila ayaw na siyang pakawalan.
"Kanina ka pa hinahanap ng bunso mo sa itaas. Check him," utos niya saka tumingkayad para kintalan ng mabilis na halik sa labi ang asawa bago muling bumalik sa pagsasaayos ng mga dadalhin nila sa sementeryo.
Ilang oras ang lumipas at nakarating na rin sila sa sementeryo ng San Angeles. Sinalubong sila ng mga kaibigan.
"Ninong Adonis!" patakbong lumapit si Serah kay Adonis na sinalubong naman nito ng mahigpit na yakap. Nakangiting lumapit kila Rada si Tomas at Raphael at tinulungan sila sa dala-dala.
Makalipas ang maraming taon ay marami na rin ang nagbago sa mga kaibigan. Si Adonis at Tomas ay magkatuwang pinamahalaan ang mga negosyo ng mga Imperial, nag-ampon rin ang dalawa ng lalaking anak na pinangalanang Adam. Si Raphael naman ay chief inspector na sa syudad na palaging kasama ni Caleb. Si Camil ay nanatili at may sarili na ring pamilya sa Amerika. Samantalang, si Ade ay nagpatayo ng art's school sa San Angeles na pumatok rin. Si Trudies? Ayon kasal na kay Melchor na ngayon ay hepe nasa San Angeles nang magretiro si Chief Gary. Samantalang, doctor na si Milo na siyang nagtratrabaho sa bagong hospital na ipinatayo ng mga Imperial.
"Kamusta ang libro natin?" Si Adonis na tuwang-tuwa kay Serah.
"Third batch na 'nong and guess what? Sold out! Yiehh!" kinikilig si Serah habang kwentong-kwento sa bagong release na libro nito.
Napailing-iling na lamang si Rada saka lumapit kila Trudies at Adelaida. "Bumili kayo ng cake? Naku lahat tayo may dalang cake," natatawang puna ni Adelaida na apat na buwan na lamang ay manganganak na sa pangalawang anak nito.
Sa katabi ng nitso ay inilatag nila ang picnic blanket at mga pagkain at cake na sinindihan nila. Maraming taon na ang nagdaan pero hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin sila sa nangyari. May mga pagkakataon na napapanaginipan pa rin nila ang babaeng nabigo nilang iligtas mula sa mapait na mundo ng buhay.
"Happy birthday, C-Clara," bati ni Adonis na kaiba sa mga nakaraang taon ay nakangiti na habang nakatitig sa nitso. Mukhang napatawad na rin ni Adonis ang sarili nito pagkatapos ng maraming taon. Tinitigan nila ang nitso.
Clara Montenegro
A loving friend and mother
June 12-June 21
"Happy birthday, Clara," nakangiting bati nilang lahat bago tuluyang hinipan ang kandila sa mga cake.
Naging routine na nilang dalawin si Clara tuwing kaarawan nito kahit sa ganoong paraan lang ay makabawi sila sa hindi paglimot sa dalagang nabigo nilang iligtas. Somehow ay sinisi nila ang sarili dahil it's their fault for not knowing everything about Clara...for not paying attention to signs na may pinagdadaanan ang dalaga.
Somehow, they found it true that they all left Clara behind. They only see their own battle and loneliness that time, they never see that Clara too, have her own battle to deal with. Naging sakim sila kahit na alam nilang everyone is fighting a hard battle in life.
Mas naging tahimik at maayos din ang samahan ng mga tao sa San Angeles. Sa paglipas ng maraming taon ay natutonan ng mga tao roong tanggapin at i-respeto ang iba't ibang paniniwala sa kanilang bayan. Naging mas open na ang mga tao sa kanilang bayan sa ibang kultura, relihiyon at paniniwala. Sa katunayan ay bumuo ng LGBTQ+ community sila Adonis para sa mga taong naguguluhan at biktima ng diskriminasyon dahil sa kanilang sekswalidad. Afterall, lahat tayo ay may karapatang magmahal at mabuhay nang matiwasay. Hindi lamang iyon ang naipatayo ng mga Imperial maging mga mental institution at clinic na tutulong sa mga taong may dinadalang problemang mental at emosyonal. As years go by, they also learned how to forgive themselves but of course they will never forget what happened.
"Serah! Since you wrote and published our story, come here. Why don't you read it in front of us?" suhestiyon ni Adelaida na magiliw na kinakain ang manggang hilaw na may bangoong.
"What? P-Pero..." pasimpleng sumulyap ang dalaga sa nitsong katabi. "B-Baka bumangon sa hukay si Tita Clara dahil alam nyo na... m-medyo pina-extreme ko ang mga eksena niya," nakangiwing ani ni Serah na siyang pinangmulagatan ng mga mata ni Rada.
"S-Serah!"
Nang samaan ng tingin ang dalaga ng mga kaharap ay sumusukong inabot nito ang libro. "Okay...Okay. But disclaimer walang mangungurot o magrereklamo sa mga eksena lalo ka na mommy! O.A. ka pa naman."
Inirapan lamang ito ni Rada na nakasandig sa dibdib ni Caleb at kalong ang apat na taong gulang na bunso na si Malkhom. Tumango-tango ang mga katandaan sa sinabi ni Serah, lumapit na rin sila Adam at Jake na anak nila Adelaida at Raphael, maging si Milo at Niko, na anak ni Trudies at SPO1 Melchor. Nagkanya-kanyang upo ang lahat sa nakalatag na picnic blanket sa damuhan.
Nang makakuha ng komportable puwesto ay binuksan na ni Serah ang libro bago huminga nang malalim at nakangiting binasa ang libro.
"Once, there were three pairs of shoes crossing the threshold of the bountiful town of San Angeles. After several days, one pair of shoes mysteriously disappeared. But the time will come, a person will come to tell what secret lies in the disappearance...
THE END.
![](https://img.wattpad.com/cover/268373051-288-k784841.jpg)
BINABASA MO ANG
We All Lie
Mystery / ThrillerSoon to be Published under CLP. Sa bulong ng kasinungalingan darating ang kasalanang hindi kayang pawiin ng mga 'patawad'. *** Perpekto ang imahe ng bayan ng San Angeles hanggang sa mabahiran ito ng dugo nang lumitaw ang makapanindig balahibong 't...