Chapter 11

13 3 0
                                        

PANGAKO

Pitong letra't isang salita; hindi sanga ngunit madaling baliin ng pagkalimot at pagbaliwala. Pinupuno ng galit at pagkamuhi hanggang sa sumambulat ang madugong pagtupad sa mga ipinangakong salita.

___________________________________________________________

Daig pa ni Ada ang zombie nang inaantok na sumilip sa pintuan ng kuwarto. Wala siyang maayos na tulog kagabi. Dumagdag pa kasi sa isipin niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Kaleb. Sa bawat pagpikit kasi niya ay ang gwapong mukha nito ang nakikita niya. Dahan-dahan siyang naglakad pababa nang marinig ang ingay sa ibaba.

"Look at you, honey. Mukhang ilang linggo ka nang hindi natutulog. Look at those gorgeous eyes. You look like a panda na with those O Em Gie eyebags." Napangiwi siya sa matinis na boses ng babae sa sala.

Mukhang may bisita ang binata. Nang sumilip siya, nakita niyang kaharap ni Kaleb ang isang balingkinitang babaeng maputi. Tantiya niya ay nasa trenta na ang edad nito. Nakasuot ito ng hapit na royal blue dress na umabot hanggang hita nito. Mayroon itong mapupulang labi, matangos at maliit na ilong at chinitong mga mata. In short maganda ito.

'Ganoon pala ang tipong babae ni Kaleb?' tanong niya sa isip, pinipigilan ang inis na nararamdaman. Bakit parang masyadong maingay?

"Look at your face, honey bun! Ang pangit mo na." Kinulong ng babae ang mukha ni Kaleb sa mga palad nito saka in-inspeksiyon ang kabuuhang mukha nito.

Kumawala sa mga kamay nito si Kaleb saka kamot-batok na nagsalita. "Why are you here, m—"

"Nonsense! Ilang araw na kitang hindi nakikita. Ni hindi ka bumisita sa bahay n'ong nakaraan."

She rolled her eyes. May pahalik-halik pa sa kanya ang lalaki kagabi may girlfriend na pala ito. "Tsk!" ingos niya saka tinatamad na umupo sa dulong hagdanan habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Not that she's eavesdropping talagang tinatamad lang siyang bumalik sa itaas.

"Look at your body. You poor, honeybunch. You look skinny!" She said it horridly. The lady was sounded O.A.

'Honeybunch? Yuck! Ang cringy!' natatawang aniya sa isip habang nakahalumbaba sa hagdanan.

"But...it's okay. I'll cook something for you, honeybuns," matinis na ani ng babae.

Muling umikot ang mga mata niya saka ginaya ang high pitch na boses nito. "But...it's okay. I'll cook something for you, honeybuns, Nye! Nye! Tsk!"

"Ai, Kabayo!" sigaw niya nang bumungad ang mukha ni Kaleb sa harap. Paano naman napunta roon ang lalaki? Kaleb was looking at her amusingly.

"What!?" inis na tanong niya saka mabigat ang katawang tumayo at akmang babalik na sa itaas.

Napairap siya habang naglalakad paitaas pero hinablot ni Kaleb ang kanang kamay niya kaya matalim na hinarap niya ito.

"Bakit ang sungit mo ngayon?" tanong ni Kaleb na may nakalolokong ngiti pa rin.

"Bakit masama ba?" nakapameywang balik niya.

"Common. Kain na tayo."

Nagugutom na talaga siya pero nang marinig muli ang boses ng bisita nito ay napailing siya. "Hindi na. Busog pa ako." Pero halos murahin niya ang tiyan nang pagtaksilan siya nito nang kumulo iyon.

Muling hinawakan ni Kaleb ang kamay niya. "Are you sure? Hindi ka talaga gutom?"

"Hin—"

"Honeybunch! Ai—" natigilan siya nang makita ang babaeng may hawak ng sandok at naka-apron sa ibaba ng hagdanan. Bumilog ang singkit na mga mata nito.

We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon