Chapter 15

6 2 0
                                    

SINING NG SAWI

Isa, magsinungaling ka. Dalawa, isigaw ang pangalan niya. Tatlo, manginig sa ikinukubling dilim. Apat, iluha ang mga lason ng nakaraan. Lima, pumalahaw sa sakit ng pag-ibig na hindi tinugon.

___________________________________________________________

Hindi magkahumayaw ang presinto sa pagkawala ni Ada. Lahat ay abala sa paghahanap at imbestigasyon sa kaso. Pansin din ang pagiging seryoso at magagalitin ni Kaleb na kinakausap ang kaibigan sa syudad para i-trace ang inilagay nilang tracking device kay Adonis.

Lingid sa kaalaman ni Clara ay planado ang pagsulpot ni Adonis sa kinaroroonan nito. Nang magpadala ng mensahe si Clara kay Adonis sa hospital ay hindi nangiming i-report iyon ni Adonis kay Kaleb kaya naman nakagawa kaagad sila ng plano. Si Adonis mismo ang nagboluntaryong sundin ang gusto ni Clara para malaman nila ang eksaktong lokasyon nito. Hindi pumayag si Thomas at ang pamilya Imperial pero si Adonis mismo ang nagpumilit. Nilagyan nila ng tracking device si Adonis at ilang minuto na lamang ay malalaman na nila ang lokasyon ng mga ito.

Kasalukuyang may kausap si Kaleb sa telepono nang humahangos na pumasok sa opisina si SPO1 Mayumi dala ang puting folder.

"Nakumpirma na ang DNA na nakuha kay Ema." Mabilis na inabot ni Kaleb ang folder saka binasa. Confirm. Nag-match ang DNA ni Clara sa DNA na nakuha sa kuko ni Ema. Marahil ay nakalmot ito ni Ema habang nanlalaban. May gusto ring makipag-usap sa'yo, inspector." Senenyasan lamang niya si SPO1 Mayumi para papasukin ang taong sinasabi nito.

Pumasok sa loob si chief Gary kasunod ang isang matandang nagpakilalang Lino, ang hardinero ng mga Montenegro.

"Babalikan ko lang po sana ang itak ko sa grahe nang may narinig akong sigaw at mga kaluskos sa loob kaya sumilip po ako sa bintana. N-Nakita ko po si Sir Carlos na nakikipaglaban sa do'n po sa..."

Inilapit ni Kaleb kay Mang Lino ang litrato ni Jojo Llagas, ang lalaking suspect sa pagkamatay ni Carlos Montenegro. Natigilan si Mang Linong tinititigan ang litrato.

"Siya po ba ang nakita n'yo? Si Jojo Llagas."

Tumango si Mang Lino. "Siya nga po nakikipagbuno po si Sir Carlos t-tapos..." gumaralgal ang boses ni Mang Lino. Uminom muna ito ng tubig bago ipinagpatuloy ang sasabihin. Halata rin ang panginginig ng kamay nito. "T-Tapos binaril po niyan ni ...J-jojo po si Sir Carlos."

"Anong ginagawa ni Clara habang nagyayari iyon?" tanong ng hepe habang ini-rerecord ang sinasabi ng matanda.

"S-Si Mam Clara po?" Muling nag-isip ang matanda bago nagpatuloy. "N-Nanunuod lang po siya. Nagtataka nga po ako no'ng una kasi p-parang kinausap pa niya iyong si Jojo tapos bigla na lang po bumagsak si J-Jojo. T-Tapos bigla na lang..."

"Binaril ba ni Clara ang lalaki...si Jojo?" tanong ng hepe na siyang ikinailing ni Mang Lino.

"Hindi po. Hindi si Ma'm. M-May kasama pa po si Ma'm C-Clara na naka-itim na lalaki." Natigilan sila Kaleb sa sinabi ni Mang Lino. They didn't expect that it's possible that there's another person on the scene.

"Anong ibig mong sabihin? Apat ang tao sa mansiyon n'ong gabing iyon?" tanong ni Kaleb na lumapit na sa kinauupuan ni Mang Lino.

Muling tumango si Mang Lino. "Opo, ser. May isa pang kasama si Ma'm Clara, y'on po iyong bumaril don sa lalaki...kay Jojo."

"Sigurado ba kayo, Mang Lino?"

"Hindi po ako pwedeng magkamali. Hindi ko man po nakilala't nakita ang mukha n'ong taong iyon sigurado po akong matapos barilin si Jojo ay belewalang naglakad patalikod silang dalawa ni Mam Clara na p-parang may pinag-uusapan."

We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon