Chapter 9

7 3 0
                                    

DIMENSYON

Anim na oras nang pagninilay-nilay ng tulirong isipan. Paglalakbay sa karampot na liwanag na hinugot sa kamalayan ng bawat isa. Lumakad at tumakbo ka hanggang marating ang siwang ng bukas. Tuklasin ang kamalayang nakakubli sa salamin ng kahapon.

___________________________________________________________

Ada was filled with unknown feelings when she grabbed her blank canvass. Tinitigan niya iyon habang hawak ang paleta at pulang pintura. Nakaramdam siya ng takot habang nasa harapan ng blangkong tela.

'Paano ba siya magsisimula?' tanong niya hanggang sa nalunod siya sa emosyong nararamdaman kasabay nang pagdutdot ng paleta sa pulang likido at pagpahid nito sa puting kambas.

Wala sa sariling idiniin at pinasayaw niya ang paleta sa tela hanggang sa magtuloy-tuloy na ang mga hugis at linya roon. Matagal na niyang kinalimutan ang pagpipinta simula n'ong gabing namatay ang kanyang ama. Nasa isang patimpalak siya noon nang makatanggap siya ng mensahe mula sa hospital. Hindi siya nagdalawang isip na iwanan ang patimpalak at puntahan ang kanyang ama. Pero nahuli na siya.

Dalawang bagay ang nawala sa kanya nang gabing iyon ang pangarap niya sa pagpipinta at ang kanyang ama. Pero mas masakit ang pagkawala ng ama niya. Kinamuhian niya ang sining pero ngayon...hindi niya alam na ito rin pala ang magiging karamay niya sa kalungkutan.

Diin dito. Pahid doon. Hindi tiyak ang direksyon ng bawat diin at pahid ng paleta tulad ng sali-saliwang mga ala-ala sa kanyang isipan. Muli siyang nagpadala sa mga kulay, linya, hugis at imahe. Ramdam niya ang mga tilamsik ng pintura sa puting damit na suot pero hindi siya tumigil. Hinayaan niya ang emosyon na mangibabaw hanggang sa dalhin siya nito sa isang obrang walang sinuman ang makaiintindi kung hindi siya lamang at mga bagay sa nakaraan niya.

Wala sa sariling napangiti siya saka lumuluhang hinaplos ang obrang nasa harapan niya. Ang kanyang pamilya. Nami-miss na niya ang mga ito. Ang pagmamahal ng ina, ama at kapatid. Nami-miss na niya ang bawat tawa, halakhak o ang boses ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit ang unfair sa kanya ng tadhana at ng Diyos. Kinuha nito ang pamilya niya at iniwan siya sa lupang nag-iisa.

Ilang beses na rin niyang binalak na kitilin ang sariling buhay para makasama na muli ang pamilya niya. Buo na ang desisyon niyang kitilin ang buhay nang mamatay ang nag-iisang kapatid. Pero nagbago iyon nang dumating ang kahon at umalingawngaw ang balita tungkol sa pagkawala ni Adonis. Somehow, naramdaman niyang may kailangan pa siyang gawin bago tuluyang mawala sa mundo.

Pero sa huli palagi siyang nababalot ng matinding kalungkutan. Mga emosyong mas masakit pa sa kung anumang sugat. Hindi nawawala ang sakit pero at the end of the day kailangan niyang magpatuloy. Pero minsan kasi...Nakapapagod rin pala. Nakapapagod na makipaglaban sa agos ng buhay kung wala kang dahilan para magpatuloy.

Napapitlag siya nang marinig ang sunod-sunod na katok sa labas ng pinto.

"Ada?" Hinayaan niyang pumasok si Kaleb sa kuwartong may mga tilamsik ng pulang pintura ang sahig.

Iniikot nito ang mga mata sa mga obra niya bago nagsalita, "Bakit hindi mo ibenta ang mga iyan?"

Pasimpleng pinunasan at pinahid ni Ada ang mga tilamsik ng pintura sa braso't t-shirt niya. "I can't sell them. They are my painted memories."

"So, you mean, painted memories should always be kept behind this door? Sayang sila, Ada. Huwag mong ipagdamot sa mundo ang talento mo."

Hindi niya inintindi ang sinabi nito imbis ay sinimulan na niyang iligpit ang mga gamit sa loob ng silid na iyon.

"Aalis muna ako," anito kahit hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng lalaki sa bahay niya at doon ito naglalagi.

Pinayagan ng superior ni Kaleb na tumulong ang lalaki sa kaso. Patuloy pa rin ang paghahanap ng pulisya kay Thomas Samonte. Sa ngayon, ito ang person of interest ng mga pulis sa pagkamatay ni Danilo Reyes. Walang kamag-anak si Danilo Reyes na kalalabas lamang pala ng kulungan kaya wala silang masyadong makapang impormasyon tungkol sa lalaki.

We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon