H34

27.5K 1.1K 120
                                    

H34



MAGHAPON na sinundan ni Hera sina Red at Brylle gamit ang mga nakakalat na CCTV ng MMDA sa kamaynilaan. Kung saan man ang mga ito magpunta ay hindi niya ito nilulubayan ng tingin. Hinack niya rin ang CCTV sa loob ng NBI para manmanan ang galaw ni Tessa. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa kilos nito dahil abala ito sa pagtatrabaho ayon sa kanyang obserbasyon.


Naabutan siya ni Ethos sa ganoong akto. Napapailing pa ito kanina ng makita siya pero kapagkuwa'y tahimik na naupo ito sa kanyang tabi at sinamahan na lamang siya. Ipinakiusap niya na lang dito na h'wag sabihin kina Red ang kanyang ginawa.


Sa maghapon din na iyon ay may isang bagay na gumugulo sa isipan niya. Hindi niya kasi maintindihan ang nakita. Hindi niya maisip kung ano ang dahilan kung bakit nagpunta si Artemis sa NBI. Nang makita niya ito kanina ay sigurado siyang kalalabas lamang nito ng gusali. May kausap din ito sa telepono habang seryoso ang mukhang naglalakad palayo. Hindi niya alam kung bakit pero kumabog ng malakas ang puso niya at kinutuban siya ng makita ito. May pilit na nagsusumiksik sa kanyang utak na posibilidad kung bakit ito naroon ngunit ayaw niyang bigyan iyon ng pansin.


'No. May tiwala ako kay Artemis. Hindi niya magagawa sa akin 'yun. Baka may kinailangan lang siyang gawin kaya siya nandoon.'


Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na pinangkokontra niya sa kanyang makulit na utak. Ayaw niyang paghinalaan ang matalik na kaibigan. Alam niyang kahit kailan ay hindi siya nito pagbabalakan ng masama. Kilalang-kilala niya ito. Mula pa ng maliliit sila ay magkaibigan na sila. Kaya naman wala siyang maisip na dahilan kung bakit gugustuhin nitong mapahamak siya.


'I know Artemis has nothing to do with my problem. Nagkataon lang na nandoon siya kanina. Hindi ko siya dapat pag-isipan ng masama.'


"Isang linggo mula ngayon ay bubuksan na ang pinakahihintay na computer-operated bullet train na pinagkagastusan ng pamahalaan para sa mamamayan ng Pilipinas. Marami ang nananabik sa pagbubukas ng nasabing train..."


Napatigil siya sa malalim na pag-iiisip at napatingin sa telebisyon. Ang bilis lumipas ng araw. Sa isang linggo na pala bubuksan sa publiko ang bullet train na iyon. Kung nabubuhay lang ang kanyang ama ay sigurado siyang kasama ito sa inauguration niyon. Napabuntong hininga siya at sumandal sa sofa. Pinanood niya ang balita.


"Bakit 'di ka pa natutulog?"


Naalis ang atensyon niya sa balita ng marinig na may nagsalita mula sa kanyang likuran. Paglingon niya ay pakiramdam niya ay mabilis na nag-init ang kanyang buong mukha sa nakita na ayos ni Red. Isang cotton pants lang ang suot nito. Kitang-kita niya ang matipuno nitong katawan kahit na natatakpan ang bandang tiyan nito ng benda.


'Huwag mong titigan at pagnasaan, Hera! Siraulo ka talaga!' Saway sa kanya ng konsensya niya ng hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa katawan ng lalaki.


Lumapit si Red at naupo sa kanyang tabi. May hawak itong beer at ininom iyon habang nakatingin sa TV.


"H-hindi pa kasi ako inaantok," nauutal na sagot niya at mabilis na ibinalik ang tingin sa telebisyon. Lumunok siya at pilit ibinalik ang atensyon sa balitang ipinapalabas. 'Kalokang Red 'to! Bakit ba naman kasi wala man lang 'tong suot na pang-itaas!'

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon