Dedicated sa kanya kasi na-touch ako ng sabihin niyang inabot siya ng madaling araw para lang mabasa ito hanggang sa latest update. Salamat po ng marami. ;)H20
“Are you okay, Hera? Where are you? Alam mo na ba kung anong nangyari sa bahay niyo?” Nag-aalalang bungad sa kanya ni Artemis ng sagutin niya ang tawag nito. Madaming tumatawag at nagtetext sa kanya simula pa kanina at kabilang na doon sina Ethos, Marianne, Tita Lorraine, ilang mga kamag-anak niya pati na din ang iilan niyang kaklase na nakakaalam ng number niya. Laman kasi ng mga balita ang nangyari sa bahay nila. Ayaw niya munang makipag-usap kahit kanino pero kahit ganoon ay pinili niyang sagutin ang tawag ni Artemis. Napabuntong hininga siya at niyakap ang kanyang mga tuhod. Nilapag niya ang kanyang cellphone sa tabi niya at ni-loud speaker iyon upang marinig ang sinasabi nito. Kasalukuyan siyang nasa lilim na bahagi ng azotea ng rest house ni Red at tanaw na tanaw niya ang asul na kalangitan. Kanina pa sumikat ang haring araw ngunit hindi pa rin siya nakakatulog. Masyado siyang restless at gusto niyang makapag-isip isip at magpahangin kaya umakyat siya doon.
“I’m okay, Art. Don’t worry about me. And…and I know what happened…” She mumbled. Bumalik sa kanyang alaala ang itsura ni Nanay Rosa ng iwan nila ito ni Red sa bahay pati na din ang wala ng buhay nilang guard at driver. She knows that her presence is badly needed there. Kailangan niyang magbigay ng statement sa mga pulis kung ano ang nangyari but Red told her that he got it all covered. May mga kilala ito sa kapulisyahan at nakausap na nito ang mga iyon tungkol sa nangyari at kung bakit hindi siya makakapagbigay ng statement sa ngayon.
“What’s happening, Hera? Bakit…bakit bigla na lang may ganoon? Are you really okay? At bakit ka biglang nawala? Saan ka ba pumunta?” Sunond-sunod nitong tanong sa kanya. Bumuntong hininga siya muli at ipinatong ang kanyang baba sa tuhod. She wanted to tell Artemis everything that happened. Gusto niyang may mapag-unloadan ng bigat na nararamdaman niya pero alam niyang hindi pwede. Baka kasi madamay pa ito sa problema niya at hindi niya gustong mangyari iyon. Tama ng may mga napahamak na dahil sa kanya. Tama na iyon at ayaw na niyang madagdagan pa.
“All I can say is I’m safe, Artemis. I can’t tell you exactly where I am right now. I know nag-aalala kayo sa akin and I’m thankful for that. Pero sa ngayon, hindi ako pwedeng makipagkita sa inyo. Ito na din ang huling beses na mag-uusap tayo, Art. Meron akong importanteng bagay na kailangan asikasuhin.” Sagot niya dito.
“Pero Hera—“
“Please tell everyone who cares that I’m safe, alright? And please, pakitingnan na din si Nanay Rosa. She’s in the hospital right now and I can’t go there. Please go there for me, Art.” Pakiusap niya dito. Narinig niyang bumuntong hininga ng malalim si Artemis sa kabilang linya at sandaling nanahimik.
“Alright, Hera. I will. Please be safe, okay? Hindi ko alam kung ano man iyang kailangan mong gawin pero malakas ang pakiramdam ko na delikado iyon. Please be careful at huwag kang maging padalos-dalos. And if you need help, just call me. I will help you no matter what happens.” Seryoso at sinserong sabi nito sa kanya matapos basagin ang namayaning katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan at tumingin sa kalangitan, “I will, Art. I will.”
BINABASA MO ANG
Hera: The Hacking Goddess [Completed]
ActionWhen saving lives is just one click of a mouse.