H54
“PALABASIN niyo 'ko rito! Kuya! Parang awa niyo na! Palabasin niyo ako!” Sigaw ni Artemis habang patuloy na kinakalampag ang nakakandadong pintuan.
Hindi niya na alam kung ilang oras na ang lumipas mula ng iwan siya ng kapatid. Kanina pa siya nagmamakaawa, sumisigaw at nakikiusap na palabasin siya sa silid na iyon. Ngunit tila mga bingi ang kung sino man ang bantay sa kwartong kinakukulungan niya. Wala man lang tumutugon sa kanyang panaghoy.
Lord, help me please!
Pagod na siyang umiyak. At alam niyang wala ring silbi kung patuloy lang siyang luluha. Ang kailangan niyang gawin ay makalabas sa silid na iyon. Kailangan niyang malaman kung ano ang kalagayan ng mga kaibigan niya. Natatakot siya sa maaaring gawin ng kanyang kapatid. Hindi na niya ito kilala. Tila naglaho na ang kanyang kapatid na kasama niyang lumaki. Iba na ito. At kinikilabutan siya sa isiping nagagawa nitong kumitil ng buhay para lang sa makasarili nitong ambisyon.
Napasandal siya sa pader at nanghihinang napaupo. Masakit na ang kanyang lalamunan kakasigaw. Pero hindi siya maaaring sumuko. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas sa lugar na iyon.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi gan’on kalaki ang kwartong kinalalagyan niya. Pero malinis at disente ang itsura n’on. Mayroong glass window sa kanang bahagi ng kama ngunit nakakandado iyon.Tumayo siya at lumapit muli doon. Katulad ng ginawa niya kanina ay sinubukan niya muli iyong buksan. Pero wala. Mahigpit na nakasara ang bintana. Kung mabubuksan niya lang iyon ay paniguradong makakaalis siya sa lugar na iyon.
Napatayo ng tuwid si Artemis nang marinig niya ang pagtunog ng seradura tanda na may papasok. Suminghap siya at inihanda ang sarili. Kung sakaling ang kapatid niya ang lumabas doon ay sisiguraduhin niyang masasapak niya ito. Bayolente? Wala siyang paki. Kung iyon ang paraan para matauhan ito ay buong lugod niyang gagawin.
“How are you, Artemis?”
Panandaliang natulala si Artemis nang iluwa ng pintuan si Marianne. Nakangisi ito sa kanya habang unti-unting humahakbang papalapit sa kanya.
Naikuyom niya ang kanyang kamao. Biglang nagdilim ang kanyang tingin at inisang hakbang ang babae. Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya at pinadapo sa mukha nito.
“You, bitch!” Puno ng galit na sigaw niya.
The moment Artemis knew what Marianne was up to, she cannot help but to despise her. Pinaikot sila nito ni Hera sa palad nito. They treated her as their friends but unfortunately, they are just nothing to her.
Katulad ng kanyang kapatid na si Ares, Marianne showed them her innocent façade that no one can notice what’s underneath it. Magaling itong umarte. At masakit sa kanya na napaglaruan sila nito ni Hera.
Hinawakan ni Marianne ang sinampal niyang pisngi nito. Kapagkuwa’y bahagyang napailing.
Unti-unti itong nag-angat ng tingin sa kanya at nagbabaga ang tinging isang malakas na sampal din ang ibinigay nito sa kanya. Lakas ng impact niyon ay natumba siya sa sahig. She almost hit the edge of the table near her. Mabuti na lang ay nagawa niyang maiwasan iyon.“Pasalamat ka at kapatid ka ni Ares kundi ay baka hindi lang iyan ang inabot mo,” Marianne snarled.
Kahit nananakit ang mukha sa pagkakasampal nito sa kanya ay binato niya ito ng nakamamatay na tingin at buong tapang na tumayo muli.
“You deserve it, bitch! Kulang pa ang sampal na iyon sa ginawa mo sa amin ni Hera!” Asik niya. Sasampalin niya sana itong muli ngunit nagawa nitong pigilan ang kanyang kamay. “Let go!”
“Feisty, huh?” Ani ni Marianne at ngumisi sa kanya. “Don’t get into my nerves, Artemis. Baka makalimutan kong kapatid ka ni Ares at ihatid kita ngayon din sa impyerno.”
BINABASA MO ANG
Hera: The Hacking Goddess [Completed]
ActionWhen saving lives is just one click of a mouse.