H46
“I know what you mean,” ani Hera at ikinuyom ng mariin ang kanyang kamao. “They already have my flash drive. And I think they need me for that.”
“Flash drive? Anong flash drive iyon, Hera?” Tanong ni Red at napatuwid ito ng tayo.
“I used to make a program wherein you can easily hack a computer without using the internet. At ang files ko ay naka-save sa flash drive na iyon. Sa tingin ko, i-integrate nila ang system na ginawa ko sa victorem para mas madali sa kanilang manguha ng data. I believe that the victorem is useless kung walang internet access. Our country is not hundred percent na nakaka-access ng internet. Isa pa, there are people who are not into social medias and other web platforms for security purposes. They just simply save their data in the computer at hindi iyon ina-upload or sine-share sa kung saan-saan. And that is their target. To fulfill their plan, they need to do total manipulation.”
“I still don’t get it,” ani Ethos at umiling-iling.Umayos ito ng pagkakaupo at tiningnan siya. “Pero kung marami silang computer geeks, bakit kailangan ka pa nila? They can integrate it without your help.”
“Actually, hindi pa talaga tapos ang system na ginawa ko. Natigil ang pag-develop ko n’on dahil kinuha ni Dad ang flash drive ko na 'yon sa akin,” naiiling na sagot niya at bahagyang nangiti. She remembered that day when his dad scolded her for hacking his computer para lang pigilan makarating dito ang result ng kanyang midterm exams.
“I guess Dad already knew what I’m up to and he thought that it will put me in a dangerous situation that’s why he confiscated my flash drive.”
“Meaning to say, they want you to finish what you have started,” ani Brylle at napahawak ito sa baba nito. “Still, if they have those computer geniuses, can’t they finish your system?”
“They can. Pwedeng sa mga oras na ito ay maaaring natapos na nila ang system na ginawa ni Hera. But more than anything else, I think they saw Hera’s potential kaya gusto siyang makuha ng mga iyon. After all, she’s the creator of that system,” ani Red at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat. “Isa pa, they are looking for Genesis and Pandora’s box. Ibig sabihin, malaki ang paniniwala nilang nasa kamay iyon ni Hera.”
“So that’s the reason why they raid your house, Hera,” ani Ethos at tumango-tango. “They have learned about your system and to get that Genesis and Pandora’s Box.”
Lahat sila ay natahimik matapos sabihin iyon ni Ethos. Lahat ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Bawat isa ay nag-iisip ng paraan kung paano nila mapapatigil ang masamang plano ng kalaban.
“Do you have any idea where your father hid the Genesis, Hera?” Pag-basag ni Levi sa mahabang katahimikang bumalot sa loob ng kwarto.
Umiling siya. “I don’t—”
Natigilan siya. Biglang may naalala. Tumingin siya kay Red at tila pareho silang naisip kaya napatango ito sa kanya.
“Kung hindi ako nagkakamali, nasa kamay ko na ang kopya ng Genesis,” aniya at napatiim-bagang.
Sabay-sabay na napatingin si Ethos, Artemis, Brylle at Levi sa kanya.
“Nasa sa’yo na?” Gulat na tanong ni Artemis.
Tumango siya. “I’ve got my father’s memory card. Kung tama ang hinala ko, doon naka-save ang Genesis. But the memory card is encrypted at n’ong sinubukan kong i-decrypt iyon ay nahirapan ako. Maybe, I can try to decrypt it again later. No. I will not try. I’ll make sure na made-decrypt ko iyon,” puno ng determinasyon na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Hera: The Hacking Goddess [Completed]
ActionWhen saving lives is just one click of a mouse.