H09
“Detective Brylle Madrigal, sir.” Sumaludo si Brylle kay Director Marco Enriquez ng makita niya itong dumating sakay ng isang itim na SUV at lumapit sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa labas ng tahanan ng kamamatay lang na senador na si Senator Bill Rodriguez upang mag-imbestiga. Sa kanya kasi na-assign ang kaso upang imbestigahan ang pagkamatay nito. Gusto kasing makasigurado ng mga nakakataas sa kanya na walang foul play na naganap sa pagkamatay ng senador at talagang namatay ito dahil sa cardiac arrest. Kilalang-kilala kasi ang senador sa pagiging matulungin nito sa mga kababayan at lumalaban sa katiwalian sa pamahalaan kaya naman hindi imposibleng maaaring may mga taong nakalaban ito na gusto itong ipapatay.
Tinapik siya sa balikat ni Director Enriquez at ngumiti ito sa kanya, “The famous Detective Brylle Madrigal, the NBI prodigy. I already know you.” Sabi nito sa kanya at inilibot ang paningin sa kabuuhan ng bahay.
Ngumiti lang si Brylle sa tinuran nito at ibinaba na ang kanang kamay niyang nakasaludo rito.
“So, what did you find out?” Maya-maya’y narinig niyang tanong ng Direktor at seryosong tumingin sa kanya.
Napatikhim muna si Brylle at iniligay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon bago sinagot sa tanong ng direktor, “Well sir, according to the witnesses, Mag-isa lang si Senator Rodriguez sa kwarto nito kagabi ng mamatay ito. Wala ang asawa nito sa bahay dahil pinakiusapan ito ng buntis nilang anak na samahan ito sa kanilang bahay sa Taguig dahil nag-out of town ang asawa nito dahil may kinailangang asikasuhin sa business nila. ‘Yung mga maid naman at driver ay mahimbing na natutulog kagabi samantalang ang mga body guard naman nito ay nanatiling gising upang magbantay. Sinabi sa akin ng mga body guards ng senador na wala naman daw silang napansin o narinig na kakaiba sa kwarto nito habang nag-iikot sila at nagbabantay ng bahay. Nagtanong rin ako sa security guards ng subdivision na ito kung may napansin silang kakaiba habang nagpapatrolya pero sinabi nilang wala naman daw.”
Ang mga sinabi ni Brylle kay Director Enriquez ay ang mga nakalap niyang impormasyon kanina. Inisa-isa niyang tanungin ang lahat ng nasa loob ng tahanan ng senador ng gabi bago ito namatay upang hingian ng statement at pareho-pareho lang sila ng binigay. Sinabi ng mga ito sa kanya na matapos maghapunan ng senador ay dumiretso na agad ito sa kwarto nito upang magpahinga. Sinabi rin nila na wala naman daw silang nakitang kakaiba sa ikinilos nito simula ng dumating ito sa bahay hanggang sa umakyat ito sa silid nito.
Matapos naman umakyat ng senador sa kwarto nito ay tinapos na ng mga maids at drivers ang kani-kanilang mga trabaho at dumiretso na sa quarters ng mga ito para matulog. Samantala, ang mga bodyguards naman nito ay nanatiling gising buong gabi at nagpatrolya sa loob at labas ng bahay. Wala naman daw silang narinig na kakaiba mula sa loob ng kwarto ng senador habang sila ay nag-iikot. Wala din daw silang nakitang kakaiba sa paligid.
Sa pakikipag-usap ni Brylle sa mga ito ay napagtanto niya na lahat ay may alibi na pwedeng magpatunay na hindi sila ang pumatay sa senador. Bawat isa kasi ay may kayang magpatunay kung nasaan sila ng mga oras na namatay si Senator Rodriguez.
Para makatiyak na wala ring unusual na nangyari sa paligid ng bahay ay nagtanong din si Brylle sa guard ng subdivision na nagbabantay sa main gate at sa mga guard na nagpapatrolya ng gabing iyon ngunit katulad nga ng nabanggit niya kanina ay wala naman daw silang nakitang kahina-hinala.
BINABASA MO ANG
Hera: The Hacking Goddess [Completed]
ActionWhen saving lives is just one click of a mouse.