H29

29.9K 1K 135
                                    

H29

“I…I have evidence, Ethos!” Pilit pinakatatagan ni Hera ang kanyang boses at pinatapang ang kanyang mukha upang hindi makita ni Ethos ang takot na nararamdaman niya habang nakatingin sa galit na mga mata nito.

Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Hindi niya alam kung dapat niya bang paniwalaan ang mga sinasabi ng kanyang kababata. May isang bahagi ng kanyang utak na nagsasabing hindi ito nagsisinungaling. Na narito talaga ito ngayon upang tulungan at iligtas siya. Pero ang isang bahagi naman ay nagsusumigaw at nagsasabi na h’wag siyang basta-basta maniwala rito. Na may ebidensya siya at iyon ang dapat niyang panghawakan. Na narito ito ngayon hindi para iligtas siya kundi ay para saktan—o mas malala ay patayin siya.

“What?” Ang mga galit na mga tingin ni Ethos sa kanya ay napalitan ng pagkalito. Mabilis ding kumunot ang noo nito. Tila nagpapahiwatig na wala itong alam sa sinasabi niya. “What evidence are you talking about?”

‘Huwag kang magpadala sa reaksyon niya, Hera. Maaaring nagpapanggap lang siyang walang alam para hulihin ang loob mo.’ Bulong ng kanyang isipan.

“Don’t fool me, Ethos!” Asik niya at muling galit na tinitigan ito sa mata, “You are one of them. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa’yo o ni Dad para gawin sa amin ito. You are my childhood friend and yet you want us dead!”

Kung makikita ni Hera ang kanyang mga mata sa salamin ay masisigurado niyang puno iyon ng hinanakit, pagkapoot at panghihinayang na rin. Maaaring ngayon lamang sila muling nagkita ni Ethos pero kababata niya ito. Kaibigan. Bakit nito gugustuhin na mawala siya sa mundong ibabaw? Anong nagawa niya rito para naisin nito na gawin ang bagay na iyon?

Pumikit ng mariin si Ethos at naikuyom ng mariin ang kamay nito. Kung titingnan ni Hera ang reaksyon ng gwapo nitong mukha ay iisipin niya na frustrated ito dahil ayaw niya itong paniwalaan. Na nasasaktan ito dahil sa lahat ng taong pwede niyang pagbintangan ay ito pa ang itinuturo niyang salarin.

‘Why it has to be you, Ethos?’

Huminga ng malalim si Ethos at sinalubong ang nagbabagang tingin niya, “Katulad ng sinabi ko sa’yo kanina, I’m not one of them, Hera. I’m not a member of that fucking organization!”

Napaatras si Hera sa gulat dahil sa ginawang pagsigaw na iyon ng kababata. Ito ang unang beses na narinig niya itong sumigaw. Simula ng nakasama niya si Ethos ay palaging malumanay ito magsalita kapag nagkakausap sila. May mga pagkakataong maangas ito lalo na sa tuwing inaasar siya nito pero kahit kailan ay hindi niya ito narinig na nagtaas ito ng boses. Ngayon lang.

“I’m a secret agent, Hera. A trainee to be specific.” Anito na sa pagkakataong iyon ay sa mababang boses na. Ang mga galit na tingin nito sa mata kanina ay napalitan ng pagsuyo. Na lumambong din matapos bigkasin ang mga sumunod na salita.

“I came back here because of your father’s request.”

Napanganga si Hera sa narinig. Parang saglit na tumigil sa pag-function ang utak niya sa sinabing iyon ni Ethos.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon