Kailangan kong makaalis sa lugar na ito! Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Artemis sa kanyang sarili.
Tapos na siyang umiyak. Ayaw na niyang patuloy na lumuha dahil hindi naman niyon mababago ang sitwasyong kinalalagyan niya. Mas kailangan niyang paganahin ang kanyang utak. Kung hindi siya makakaalis sa lugar na iyon ay paniguradong maraming mapapahamak.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kwartong kinakukulungan niya. She needs to think fast.
Napadako ang tingin niya sa pagkaing dala ni Tessa kanina. Kapagkuwa'y nagmamadali niyang dinampot ang tinidor doon. Binasag niya rin ang pinggan at basong naroon.
Tulad ng kanyang inaasahan, bumukas ang pinto. Isang lalaking nakaitim ang bumungad sa kanya.
"Anong nangyari--"
"Let me go or I'll kill myself here!" Walang takot na sigaw niya at itinutok ang tinidor sa kanyang leeg.
It's a dangerous stunt. But she knows that it's the only way she can escape.
"Aba't--"
"Humakbang ka pa ng isa at tutuluyan ko ang sarili ko!" Pagbabanta niya. "You know what my brother can do to you kapag nalaman niyang namatay ako rito!"
She's praying to God that the man will fall to her bait.
Hindi niya alam kung ano ang plano sa kanya ng kapatid. Pero malakas ang kutob niya na wala naman itong balak na patayin siya. Maybe because they are siblings after all.
Nakita niyang namutla ang lalaki dahil sa sinabi niya. Lihim siyang napangiti dahil doon.
Nag-umpisa siyang pahakbang patungo sa pintuan. Buong tapang pa rin niyang hawak ang tinidor habang nakatutok sa kanyang leeg.
"One wrong move or I'll kill myself in this instant!" She hissed.
Napaatras ang lalaki. Dahil doon ay kinuha niya ang pagkakataong iyon para sipain ito ng malakas.
She knows a little self-defense, thanks to Levi, kaya naman napatumba niya ang lalaki agad. Mabilis niyang dinampot ang baril na nabitawan nito at matapos ay kinapkapan ito. Nakuha niya ang cellphone nito.
It was an analog phone, or old model of phone per se. Kinuha niya iyon at mabilis na inilagay sa kanyang bulsa.
Lumabas siya ng kwarto ng may pagmamadali. Di niya alintana ang paang wala man lang sapin. Pagkababa niya ng hagdan ay tatlong lalaki ang bumungad sa kanya.
Naging alerto siya. Katulad ng ginawa niya kanina ay itinutok niya sa sentido ang hawak na baril.
"Padaanin niyo ako kung ayaw niyong managot sa kapatid ko dahil sa pagkamatay ko." May diing wika niya.
Napaatras ang mga lalaki sa sinabi niya. Tama nga ang hinala niya. Her brother doesn't want her dead. Dahil kung gusto siya nitong patayin, hindi mga tila maamong tupa na susunod sa kanya ang mga tauhan nito.
Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ba ang bagay na iyon o hindi. Siguro mas masasabi niyang nalulungkot siya. Her brother still cares for her even if he's mind is clouded of greed.
"Lapitan niyo ako at may kalalagyan kayo!" Aniya nang makita ang mga ito na hahakbang sana palapit sa kanya. "Dumapa kayo!"
Tila mga uto-utong sumunod naman ito sa kanya. Matapos niyon ay inutusan niya ang mga ito na itali ang mga sarili sa nakita niyang lubid sa mesa.
Nang masigurado niyang mahigpit na ang pagkakatali ng mga ito ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay na iyon.
Laking pasalamat niya at iyon lang mga bantay ng bahay na iyon. Hindi na siya nahirapan pang makalabas.
BINABASA MO ANG
Hera: The Hacking Goddess [Completed]
ActionWhen saving lives is just one click of a mouse.