H21
“How are you Thea? Okay ka na ba?” Bungad ni Red kay Thea ng sagutin nito ang kanyang tawag. Nasa may terasa siya ng kanyang kwarto at umiinom ng beer. Tanaw niya ang kalat-kalat na mga bituin sa kalangitan.
Sa loob ng isang linggong pagbabantay niya kay Hera ay hindi na niya nagawang puntahan ang kababata sa hospital. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dito at dahil doon ay nag-guilty siya. Sinubukan niya naman itong tawagan noon kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon ngunit sa tuwing tatawag siya ay kung hindi ito tulog ay walang sumasagot sa cellphone nito. Kapag ganoon ay nagtetext naman ito sa kanya at sinasabi nito ang rason kung bakit hindi nito nagagawang sagutin ang kanyang tawag. Sa text na lang din niya ito nagagawang kamustahin.
“I’m perfectly fine, Red. Ikaw ang kamusta? It’s been a week simula ng huli kitang nakita. Still busy with your mission?” Tanong nito sa kanya.
Bumuntong hininga siya at kahit hindi man siya nito nakikita ay nangingiming napangiti siya, “Yeah…And I’m sorry for that. Pasensya na talaga kung hindi kita nabalikan sa hospital. Something came up kaya hindi ko na nagawang puntahan ka ulit.” Apologetic na sabi niya dito.
“It’s alright, Red. Ilang beses ka na bang nag-sorry sa akin sa text? I perfectly understand.” Kahit hindi niya makita ang mukha ng kababata ay alam niyang nakangiti ito sa kanya, “Isa pa, hindi mo naman kailangan ma-guilty. May nakasama naman ako sa hospital and after 3 days lang ay na-discharge na din naman ako.”
“But still, sorry pa din.” Paghingi niya ulit ng tawad dito, “Pupuntahan na lang kita kapag nakabalik na ako at makakita ng pagkakataon.”
“Sure, Red. Dala ka ng pasalubong ha?” Masiglang sagot nito sa kanya at tumawa.
“Silly,” Nangingiting napapailing niyang sabi dito. Saglit silang nagkwentuhan nito at matapos noon ay nagdesisyon na siyang tapusin ang tawag.
“Alright. I won’t hold you for too long. Alam kong bawal kang mapuyat. Take a rest, Thea. Good night.” Aniya.
“Okay. Good night din, Red.” Sagot nito sa kanya. Hindi na siya tumugon at pipindutin na sana niya ang end call icon ng cellphone niya ng marinig niya ang seryosong pagtawag nito sa kanyang pangalan.
“What is it?” Nakakunot noong tanong niya.
“It’s Hera, right?” Untag nito. Saglit siyang natahimik sa sinabi nito.
“Anong sinasabi mo?” Tanong niya kahit alam naman niya ang tinutukoy nito.
“The person you need to watch and protect. It’s Hera. Tama ba ako?” Sabi nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya at nakangiting napailing na lang. “Yes, Thea. She is.”
“I figured.” Sabi nito at narinig niya ang pagbuntong hininga nito, “Nakita ko sa news ang nangyari sa bahay nila kaninang madaling araw. I also learned that her father died in a car accident. Is she alright? Kasama mo ba siya?”
BINABASA MO ANG
Hera: The Hacking Goddess [Completed]
ActionWhen saving lives is just one click of a mouse.