PamantayanAng hirap pala kapag ka panget ka no?
'Yong tipong bigla ka na lang lalayuan.
Tapos basura ang tingin sa'yo ng karamihan.Tanggap ko naman eh,na hindi ako kagandahan.
Hindi ako makakapasa sa pamantayan nila.
Pero hindi porke't hindi matangos ang ilong ko,sungki ang aking mga ngipin at malapad ang aking noo ay may karapatan na kayo na pintasan ako.Hindi makinis ang aking mukha,kinulang ako sa tangkad at pinagkaitan rin ako ng hinaharap.
Pero wala kayong karapatan na diktahan ako para sa aking katawan para lamang makapasa sa inyong pamantayan.Kapag panget ka,hindi pantay ang trato nila.
Hindi porke't maitim ang kutis ay hindi na malinis.
Palagi nilang napapansin ang malapad kong noo.
Pinapakealaman nila ang buhay ng ibang tao.Kung makapanghusga akala mo talaga perpekto.
Ganito na nga talaga siguro ang galawan sa modernong panahon.
Panghuhusga ay nakasanayan na.Manhid na sila sa pakiramdam ng iba.
At natutuwa pa sila na nasisira ang buhay ng ibang tao.
Nawalan na ng respeto.At dahil sa mataas na pamantayan ng kagandahan.
Insekyuridad ng karamihan ay hindi na mapigilan.
Kaya marami ang nakagagawa ng masasamang bagay dahil dito.Pagdating sa social media hindi mo na mawari kung sino ang totoo sa mga nagbabalatkayo.
'Yong iba nagpapanggap na masaya kahit ang totoo pagod na.
Nagpapanggap na mayaman kahit hindi naman talaga.Sana habang maaga pa matuwid na natin ang baluktot na sistema.
At kung maari lang sana,babaan natin ng kaunti ang pamantayan ng kagandahan.
Matuto tayong pahalagahan ang iba.
At matuto tayong rumespeto.Dahil hindi mo problema kung maitim ang kutis niya,o kung hindi siya kagandahan,o kung mahirap sila.
Hindi mo problema kung matalino man siya o hindi.
Hindi mo problema kung masama ang ugali niya.O kung malandi man siya.
Hindi mo problema kung ano siya,kung ano sila o kung ano ang mga pinagdadaanan nila.
Hindi mo problema kung ano ang kapintasan ng iba.Dahil sa totoo lang hindi ka na dapat pa nakikialam.
Bakit mo p-problemahin ang iba?Alalahin mo na lang ang sarili kaysa makipagchismisan at mamintas sa mga taong nakakasalamuha.
Dahil hindi ka niyan aasenso.Mabuti sana kung sa bawat tsismis niyo may suweldo kayo.
At ito lang ang masasabi ko.
Mas magaan ang buhay kung lahat tayo ay pantay-pantay.
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.