Walang Hanggang Pag-ibig
Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan.
Saksi ang mga ulap,ang kalangitan at ang buwan.Kay raming saksi ngunit mas marami ang humahdlang.Bakit sa tuwing umiibig ay palagi na lamang nasasawi?
Kalungkutan kailan mahahawi?
Pagkabigo kailan maglalaho?Ang sabi ng tadhana,tama na sumuko ka na ngunit ang puso ko'y gusto pa.
Nais ko pang lumaban,nais ko pang sumubok at manalo sa digmaan.Ngunit sa huli'y patalim itinapon,tinapon at ibinaon ang mga alaalang nilimot na nang panahon.
Ngunit sa pagdaan ng ilang henerasyon ang pag-ibig na namatay ay muling mabubuhay at muli na namang mamamatay.
Walang hanggang siklo,walang hanggang hinagpis kailan kaya titigil ang pagtangis?Sinta,ito lamang ang aking maipapangako.Pagmamahal ko sayo'y hindi maglalaho.
Pagmamahal ko'y hindi mapaparam at palagi mo itong mararamdaman.Sa susunod na buhay ikaw ay hahanapin ko.
Sabay nating namnamin ang bawat patak ng ulan.
Sabay nating yapusin ang malamig na simoy ng hangin,ang magkahalong pait at tamis na dulot ng pag-ibig.Hayaan mo akong yakapin ka ng mahigpit upang maibsan ang pangungulila,at ang pangamba.
Hayaan mo akong hawakan ka upang hindi makawala.Mamatay man ako ng paulit-ulit,asahan mong sa muli kong pagkabuhay ikaw pa rin ang mamahalin ko,asahan mong ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng aking puso.
Sinta,ikaw ang aking walang hanggan,tumila man ang ulan,huminto man ang musika ngunit ang pagmamahal ko sa iyo'y hinding-hindi mawawala.
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.