hindi ko na mabilang kung ilang taon na ang lumipas.
kung dalawa ba o lima, hindi ko na matandaan pa.
ngunit hindi ko makakalimutan ang mga pangakong iyong binitawan.
na kahit anong mangyari ay hindi mo ko iiwanan.na kung may unos man na darating ay ating malalagpasan.
na kahit may humadlang pa, tayo lang talaga.
ngunit sa isang pagkakamali ay tuluyan mo na akong nilisan.
lahat ng pangako ay napako.lahat ng pagmamahal ay naglaho.
ang bilis ng oras,
ang bilis ng panahon.
parang kahapon lang, hawak pa kita
pero ngayon hawak ka ng iba.
kung mabbaalik ko lang ang oras at panahon itatama ko ang lahat ng pagkakamali,o kung hindi man susulitin ko na lang ang mga huling sandali.dahil alam ko, kahit na habulin ko pa ang oras at ibalik ang pagkakataon.
hindi ko na mababago pa ang kasalukuyan. na may mahal ka ng iba, at bago na ang iyong mundo.
ikaw pa rin ang tibok ng puso, mahal pa rin kita, at mamahalin pa rin kahit may iba ka na.
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.