Ang Tusong Kalaban

101 2 0
                                    

Ang Tusong Kalaban

Kung minsan may mga gabing mailap sa akin ang antok.
Kung kaya't marami ang mga salita na nananamantala at pilit pumapasok sa aking isipan.
Kaya't aking pinagbigyan.

Ngunit ng sila'y aking hayaan na manahan sa aking isipan ay nilamon na ako ng labis na pagaalala.
Natatakot na ako sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari.
Kinakain ako ng lungkot,ng kaba at ng takot.

Hanggang sa hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha.
Nakabibingi ang pintig ng puso.
Binubulabog nito ang tahimik kong sistema.

Mga hikbi na siyang nagiging kumot ko sa gabi.
At mga hagulhol na tanging ako lang ang nakaaalam;
Kung ano ang aking mga pinagdadaanan at mga nararamdaman.
Tanging ako lang.

Mas pinili kong huwag na lang sabihin at ibahagi ang mga suliranin at pasanin kasi hindi naman sila makikinig.
Hindi nila ako pakikinggan at ang tanging magagawa lang nila ay ang ako ay husgahan.

"Wala 'yan sus,kaartehan lang 'yan."

Hindi ito kaartehan para sa inyong kaalaman.
Hindi ni'yo kasi alam ang pakiramdam.
Kaya't labis ang aking pagsisi.
Sana hindi ko hinayaang makapasok sa aking utak ang mga matatalas nilang salita na siyang nagwasak sa aking puso at nagdurog sa aking pagkatao.

LagaslasWhere stories live. Discover now