nagsimula sa ikaw at ako.
no'ng unang beses kitang masilayan sa tagpuan ni bathala.
may dala ka pa nga nang isang tangkay ng gumamela,
isinuksok mo pa nga ito sa likod ng aking tenga.
at sinabihan mo ako na ako ay maganda.
nilahad ang mga palad at hinigit at iginiya sa tanawing napakaganda.
ako nama'y napahawak ng mahigpit, at pumikit; at sa pagdilat ko'y bumangad sa akin ang nakangiti mong mukha, habang nakadungaw sa akin at nilulusaw ako ng tingin.sa puno ng mangga ay inukit mo ang ikaw at ako, ang sabi mong ako lang ay nauwi sa siya na.
kung gaano katamis ang iyong pinalasap ay gayundin kapait ang aking dinanas.
sa paglipas ng panahon, ay muli tayong nagkita sa tagpuan ni bathala.
may dala kang gumamela, ngunit para na sa kaniya.
nagsimula sa ikaw at ako, at natapos sa ikaw at siya.
hanggang dito na lang siguro mahal ko, nawa'y mahanap ko rin ang lalaking magaalay ng gumamela at hinding hindi na bibitiwan ang aking mga kamay, panghabang buhay.— Nym
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.