___

26 0 0
                                    

Minsan kung sino pa 'yong taong binuo mo.Ay siya rin pala 'yong taong wawasak sa'yo.

Kung minsan kung sino pa 'yong  taong lubos mong minahal at nangakong hindi ka iiwan.Ay siya pa 'tong unang lilisan.

Bigla na lang mawawala ng hindi nagpapaalam.Tapos malalaman mo na lang na may iba na pa lang inuuwian.

Minsan sa buhay natin may mga taong darating na hindi natin inaasahan na siyang ating mamahalin.
Pero sa dulo sasaktan at iiwan lang pala tayo.

Isa sa mga natutunan ko sa pagmamahal ay 'yong huwag mapagod na maniwala.Na ang tadhana ay may nilaan talagang para sa atin.

Kailangan lang nating hintayin.
Dahil kapag dumating na ang taong 'yon ay magiging masaya tayo ulit.

Tapos masasabi mong ito na talaga.Siya na talaga.Pero huwag pakampante.Dahil baka,linlangin ka ulit ng tadhana.

LagaslasWhere stories live. Discover now