Sana
written by: Nym
Mahal kita, dalawang salita masarap pakinggan.
Ngunit bakit parang sa akin ito ay tila punyal;
Na siyang naghahatid sa akin ng hapdi at kirot.
Mahal kita, iyan ang salitang makailang ulit na isinambit ng labi mo pero hindi ng puso.
Pero dahil mahal kita, handa akong masaktan manatili ka lang.
Kahit talikuran pa ako ng mundo, pipiliin kita kahit hindi na makalaya.
Nakakapagod rin pala 'yong tipong ikaw lang ang nagmamahal at nagsasakripisyo.
Nakakapagod na ako lang ang nasasaktan.
Nakakapagod magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.
Sana hindi na lang kita minahal para hindi ako nasasaktan ng ganito.
Sana hindi kita tinabihan noon sa may sakayan, at sinabayan pag-uwi.
Para hindii ko na natanong pa ang pangalan mo.
Sana hindi ako tumugon sa pag-hi mo sa akin sa messenger.
Sana hindi kita pinansin, sana hindi kita pinatulan.
Sana nagtanong ako, sana nagbackground check ako.
Sana tinanong kita kung may mahal ka bang iba o ako lang talaga.
Sana sinabi mo na may hinihintayy ka, para hindi ako nagsayang ng oras na samahan ka habang hinihintay mo siya.
Sana hindi na lang kita minahal.
Kasi hindi ako stop over;
Na magsisilbing pahingahan mo habang pagod ka na kahahabol sa taong wala namang pakealam sa'yo.
Tama na, itigil na natin ang kahibangang ito, papara na ako.
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.