Hindi Ako Romantikang Tao
Hindi ako romantikang tao.
Hindi rin ako basta bastang naniniwala sa pagibig.Ako 'yong tipo ng tao na mas gugustuhin pang makatanggap ng bulaklak sa halip na batiin ako ng 'goodmorning/goodevening' sa chat.
Ako 'yong tipo nang tao na mas nanaiisin pang haranahin kaysa i-video call sa messenger.
Hindi ako romantikang tao.
Hindi ako romantika.
Hindi ko hilig ang magpakilig lalo na ang kiligin.
Wala namang tamang sukat ang depinasyon ng pagibig.Lahat may kanya kanyang depinasyon.
Ang sa'kin lang ay,papatawanin kita kapag nabagot ka.Papasayahin kita kung ikaw'y nalulungkot;papagaanin ko ang iyong loob.
Lalabhan ko ang iyong mga damit,ako ang magsisilbing mata mo kung darating man ang panahon na hindi ka na makakakita.Ako ang magsisilbing paa mo kung darating man ang panahon na hindi ka na makakalakad.Tutulungan kita na abutin ang iyong mga pangarap,tandaan mong nasa likod mo lang ako na handang sumalo kung ikaw may mabigo.
Aalayan kita ng isang tula kahit hindi man magtugma.
Kakantahan kita kahit hindi ganoon kaganda ang aking boses.
Yayakapin kita upang maramdaman mo ang init ng aking pagsinta.
Ako magiging sandalan mo sa tuwing ikaw'y nanghihina.Hindi ako romantika,ngunit maipapangako kong ang pagmamahal ko sa iyo ay hindi maglalaho.Dumaan ang ilang bagyo,matapos man ang ilang kanta,mawalan man ng tugma ang mga tula,tumila man ang malakas na ulan ngunit ang aking pagmamahal ay babaunin mo magpakailanman.
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.