Ang bawat patak ng ulan ay tila musika sa bawat tenga ng mga magsasaka.
Pinapawi nito ang uhaw ng lahat ng pananim.
Hinihilom nito ang naglalakihang sugat ng lupa, na sa pamamagitan ng tubig na naililikom ay napipilat ang mga bitak.
Ang mga sapa'y nagsasaya, sawakas ay mapupuno na rin sila. Maging ang mga isda'y nakisalo sa piging na hatid nang bathala.
Libreng tubig para sa lahat!
Upang kahit papano'y mapawi ang init na nadarama sa bayang nakatanggap ng parusa.
Tapos na ang panahon ng tag-init, halika't salubungin naman natin ang panahon ng tag-ulan.
Handa ka na bang magtampisaw? O malungkot dahil tiyak na ang mga sapa, estero at kanal ay aapaw.
— Nym
YOU ARE READING
Lagaslas
PoetryLagaslas. ~ tunog ng umaapaw na tinta mula sa mga batis ng mga salita patungo sa karagatan ng tugma.