CoMHA Spoken Poetry

3 0 0
                                    

"Stronger Together: Celebrating Unity in Mental Health."


Sa maingay at magulong mundo, ay may mga boses na bumubulong sa'yong isipan na humakbang ka na sa bangin at hayaang tangayin ng hangin ang lahat ng mga alalahanin.
Kung minsa'y hindi sapat ang mga katagang "kaya mo 'yan, ikaw pa!" dahil hindi naman nila alam kung ano ba talaga ang totoo mong nararamdaman.
Sa bawat ngiti at tawa ay may lihim na sakit at pagdurusa.
Na sa tuwing sasapit ang alas diyes ng gabi hanggang madaling araw ay tanging ang apat na sulok ng silid ang iyong kakampi.
Ang tenga sa tahimik mong paghikbi at ang kumot mong nagbibigay init sa katawang mong nanginginig. At ang unan mong naging panyo sa bawat patak ng luha.

Hanggang kailan kaya mawawakasan ang siklo ng pagkabigo at ang mapanghusgang lipunan na walang ibang ginawa kundi kutyain ang nakakaranas ng ganito?
Kailan kaya maiintindihan na hindi gawa-gawa lang ang mga bagay katulad ng depresyon at pagkabalisa?

Ang estigma ay minsang humila sa atin paibaba, ngunit ngayon ay sama-sama tayong babangon.
Hindi ito masosolusyunan kung hindi tayo magkakaisa.
Magkaiba man ang hibla ng mga pinagdadaanan, mga pagkabigo at mga pag aalinlangan.

Nawasak na tayo ng kabiguan, panahon na upang pag tagpi-tagpiin ang mga bubog upang muli tayong mabuo, at matuto na huwag sumuko.
Sa dilim ay nahanap ang liwanag at sa yakap ay nahanap ang kapayapaan, ang kalma.
Nahanap ang kalinga mula sa isa't isa, na kung saan ay wala nang manghuhusga.
Na ayos lang ang mapagod at magpahinga, dahil ang buhay ay hindi karera.

Winasak ang katahimikan at isiniwalat ang katotohanan, na hindi ko naman talaga nais ang magisa, na kailangan ko pa rin ng tulong, pagintindi at pasensiya.

Ang mga sugat at ukit sa pulso ay simbolo ng kahinaan, ngunit ang mga peklat nito ay may iba't ibang kuwento ng pag-asa at katapangan.

Sa pagkakaisa, nagkaroon tayo ng lakas para lumaban.
Natuto tayong makinig at maghilom mula sa nakaraan.
Hindi na kailan man maglalagi sa dilim, dahil tayo ang magdadala ng liwanag sa isat-isa.

Naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagkakaisa, ikaw, ako, tayo ay hindi na kailan man magiisa, dahil magkaramay tayo sa labang ito. Palagi mong tandaan na sa bawat pagkabigo ay may pag-asa, na sa bawat dilim ay may liwanag, at sa pagkakaisa ay mawawakasan ang estigma.

Padayon rata diring dapita!

*sinulat ko 'to dahil sasali sana ako sa spoken poetry contest tungkol sa mental health dito sa school namin. just as soon as I finished finalizing the draft, i was doubting my capability of performing in front. I was afraid to stumble, to stutter and to forget the lines or even the stanzas. that is why, i quit, not knowing that my piece could excel among others. I underestimated myself, and unfortunately i was not able to share the beautiful message of my poem to everyone whose strugglimg with their mental health. Right now, i am having so much regret. I lost another opportunity not because I was shy, but rather i underestimated myself. that's all.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LagaslasWhere stories live. Discover now