Chapter 1: Please welcome, Bitterfly!

735 61 45
                                    

A/N: Hi chinggus! This is my first ever story, kindly pls. support it :)

PS: Votes and comments please /puppy eyes/.

"Mga Bae, Bye muna may date pa kase kami ni sweetypie ko." saad samin ni Sofia habang binebeso-beso niya ako at ang mga kaibigan namin at umalis na nga habang kaholding hands si Zen. Ang sweet parin talaga nila kahit 1 yr. na sila. Hindi parin kumukupas.

"Talaga?! May suprise ka?!"

"Kailangan talaga sumigaw Mari?" sabi ko sa kanya. May kausap kase siya sa phone eh kaya binibwesit ko siya.

"Tumahimik ka nga Paris Frans Altegre!" sabi niya sabay lagay ng burger sa bibig ko. Gustong-gusto niya talaga yung full name ko nuh?

"Okay, I'll gonna be there just wait for me, honey." sabi niya sa phone in a sweet voice. Nakakainis talaga pag ginaganyan niya yung boses niya. Ang sarap tsinelasin with heels.

"Aalis nadin ako bye. See you nalang tomorrow may suprise daw kase sakin si Lance mamaya."nagbeso din siya samin at nagwave papaalis. Tinuloy nalang namin ang pagkain ni Celena.

"Uhmm, Celena..."

Tinignan ko yung tumawag kay Celena at muntikan ng lumabas lahat ng kinain ko mula sa intestines ko.

Tinignan ko si Celena at halatang gulat na gulat din siya sa tumawag sa kanya. Ikaw ba naman tawagin ng crush mo? Di ka ba magugulat?

"Uhmm, a-anong kelangan mo?" tanong ni Celena kay Ken 'Ang Pambansang Nerd'.

"Uhmm, kase.. ano.. pwedi ba kitang m-makasama ku-kumain sa l-labas ngayon?" pautal-utal na sabi ni Ken kay Celena.

"Dependi sa kanya" sabay turo ni Celena sakin. Wait... sa akin? Ba't ako ang magdedisisyon?

"Ako?" sabay turo sa sarili ko.

"Oo. Ikaw dapat yung magdedecide kase kaibigan kita at ikaw lang yung magaling sa mga ganito. So, ano na? Payag ka na? Okay lang sakin kung ayaw mo akong pasamahin. Ayaw ko din naman sa taong to"sabi niya sabay tingin kay Ken.

Sarap sabihing "Weh? Ayaw mo jan? Eh halos epersonalize mo na lahat ng gamit mo na may mukha niya!" gusto ko talagang sabihin niyan sa kanya. Pero asan naman yung pagpapakipot kung papayag agad siya di ba? Sabihin pa ng Ken na yan na easy to get tong kaibigan ko.

"Ok lang sakin."

Gusto ko sana magpakabitter kaso kaligayahan to ng friend ko at ayaw ko namang maspoil ang lovelife niya dahil alam ko naman na kahit sa akin niya pinasa yung pagdedecision gustong-gusto parin niya maka-date si Ken. May namuo namang mga ngiti sa kanyang mga labi sa pagsabi ko ng Oo.

Lumapit muna ako kay Celena at bingyan siya ng mga konting 'Wisdom words'.

"Hoy Dalagang Bukid wag kang magpapauto dun ha.Itext mo ko pag may ginawa siyang masama sa iyo."

"Yes Teacher."

"Oh cge na. May date din kase ako" sabi ko with matching twinkle twinkle little stars in my eyes.

"weh?" demonitang taga-bukid na ito ayaw maniwala?

"Ayaw mo maniwala? Cge na babye" sabay tulak sa kanya papunta kay Ken.

Habang naglalakad na siya palayo ay lumingon siya sakin sabay ngiti habang binigyan ko naman siya ng wink at isang fighting sign.

Nagtaka siguro kayo kung bakit sila may mga date? Syempre, paparating na ang Valentines day kaya kanya kanyang style na sila.

Makaalis na nga sa room at baka gabihin pa ako sa pag-uwi.
Nakalimutan ko palang magpakilalala.

Ako nga pala si Paris Frans Altegre. 15 years old. Ang 'forever alone' ng Genner High. Nakatadhana kay Bias Since Birth o NBSB.

Hindi naman ako ganyan ka super mega forever alone. I have God, my new friends( first ever friends,literally), biases and senpais. Oh yes. I'm a kpop spazzer and Otaku. Ako nalang yung walang love life sa mga kaibigan ko- hindi pala- sa buong babae sa batch namin. Eh ano naman ngayon? In relationship din kaya ako.

Relationship status: Inlove with the posters.

Hindi naman siguro sa pangit ako kaya forever alone ako. Well, hindi naman ako panget at hindi din naman ako maganda. May itsura lang. Sabi nga nila, may mukha nga yung lata, tao pa kaya. Pero kung panget ang tingin mo sa isang babae na hindi nakatali yung buhok na medyo curly na hindi marunong maging fashionista kase walang budget. Well, panget nga talaga ako.

Ang tingin lang talaga ng mga kaibigan ko sa akin ay isang clown. Yung iba naman para daw akong pang horror kase nakatago daw palagi yung mukha ko sa buhok ko. Baka doppleganger ko yun? Iba-iba kase yung tingin ng tao sa akin.

Hindi din naman kase ako nagkakafeelings kahit kanino. Gusto ko kase 'first and last' at alam ko naman na hindi ko pa mahahanap ang tao na yun sa High School Life ko.

Medyo maypagka bitter ako pero slight lang naman. Lalo na sa mga pinakaPDA na mga tao. Hindi naman sa naiinggit ako pero nakakasuka talaga yung iba parang wala ng bukas yung pinaggagawa nila parang hindi na sila nahiya.

Alam ba nila na walang forever?

Alam mo yung feeling na kikiligin ka sana sa ginagaw nila pero nasusuka at nasasagwaan ka tuloy.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit ang bitter ko kahit wala naman akong experience.

Pero kailangan bang magkaroon ng experience? Di ba pweding nasaksihan mo lang at naprove na wala talagang forever in many times, in many different forms? Yung kahit wala kang boyfriend alam mo pa rin yung feeling na maiwan ng taong importante sayo. Yung mapangakuan ng 'forever'.

Wala man akong experience sa love na yan pero may sarili akong pinanghuhugutan.

The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon