Tinatamad ako ngayon kaya mag-aabsent na lang ako at matutulog the whole day.
Narinig kong ring ng phone ko.
"anong oras na ba..." tinignan ko yung cellphone ko "...11:50 na pala- SHET. "
1OO missed calls and 67 msgs? At lahat ay galing kay Kris? Bakit kaya ang dami niyang text sa akin.
Inopen ko yung mga msgs niya.
"Paris? San kana?"
"Paris? Magaabsent ka ba?"
"Paris? Okay ka lang?Bakit ka nag-absent?"
At madami pang iba.
*ring ring*
"Hello? Sino to?" tanong ko sa tumatawag. Number lang kase yung nakalagay sa phone ko.
"Thanks God sinagot mo na din yung tawag ko." Huh? Sino ba to? "This is Kris. Okay ka lang ba? Bakit umabsent ka? May sakit ka ba?" Grabe naman to kung magtanong parang imbestigador.
"Chill chill. Okay lang ako. Umabsent ako kase..." Ano ba sasabihin ko? Umabsent ako kase death anniversary ng Daddy ko at ng Kuya ko? "...Kinulang ako sa budget. Wala akong pamasahe."
Shet. Ano ba sinabi ko? Isang segundo lang yung lumipas pero gusto ko na ulit bawiin yung sinabi ko. Ang cheap ko pakinggan.
"Ha? Nagsabi ka sana." sabi niya. "Don't you know how worried I am?"
Worried? Bakit naman?
"Ha?" yun lang yung nasabi ko. Para kase siyang galit na kung ano eh.
"Just wait there. Susunduin kita jan."
Ha?
"Wag na. Ano ka ba. Nakakahiya. Tapos hindi pa ako nakaprepare. Aabsent na lang ako-" Hindi pa nga ako naliligo eh.
"Bye." sabi niya.
Hindi niya ba narinig yung sinabi ko? Sige na nga. Pupunta na ako dun.
Pagkatapos akong sunduin ni Kris sa condo dumiritso na kami sa school. Naghiwalay lang yung landas namin nung tinawag siya ng isang SSG officer dahil may importante daw silang gagawin.
Pagpasok ng pagpasok ko sa building ng room section namin kitang-kita ko na yung mga mapupulang heart-heart na nakasabit sa mga room at sa mga ceilings. Tsk tsk. Mga pakulo ni Kris. Yung ibang girls- I mean halos lahat ng girls may dalang boquet ng flowers yung iba chocolates. Tsk tsk. Mga pakulo ng boys. Dumiritso nalang ako sa locker ko dahil kukunin ko yung naiwan kong notebook.
"Paris." sabay-sabay na tawag sa akin nila Sofia, Mari at Celena. Andito din kase sila sa may locker.
Yung locker kase namin nasa hallway lang. Malapit sa room namin.
"Ba't ka umabsent kaninang umaga?" tanong ni Celena sa akin. Napansin ko kaagad yung dala-dala niyang chocolates.
"Tinamad ako." simpleng sabi ko. "Wow. Sinong nag bigay niyan?" tanong ko kay Celena.
"Si Ken." sabi niya at nagblush.
"Grabe ha. Bigyan mo ako niyan mamaya." pagbibiro ko.
"Wetewew." biglang sabi ni Mari. Sinundan ko yung tingin niya sa akin at napalingon sa likuran ko.
Sino ba tong mga to? Bakit sila tinitignan ng mga tao? Artista ba sila dito? Sorry na. Wala kase akong TV sa condo.
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Teen FictionBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."