Naghiwalay ang landas namin ni Celena dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ang lalim ng sinabi ko nakakanosebleed.
Well, we parted ways nga kase tumawag yung Prince Kenken niya. Yung mga friends ko, lumalableyp na.
But still, walang forever.
Kaya mag-isa na lang akong sumakay ng jeep.
Ang paglalakbay ni Dora: Part 2.
"Ate, paabot po." inabot ko yung bayad kay ate na katabi at hindi nya ako pinansin.
Bingi ba 'to? Inulit ko yung sinabi ko tas nilakasan. Feeling ko sinasadya niya talagang hindi ako pansinin. Ang layo pa naman nung driver kaya sumigaw nalang ako.
"Kuya Driver, catch!" at binato ko yung pangbayad ko dun sa harapan at sa kinamalas-malasan natamaan sa ulo si Kuya Driver.
Hininto ni Kuya Driver yung jeep sa gilid at galit na galit na humarap sa amin. Ay, hindi sa akin lang pala.
"Miss, gusto mo na bang mamatay? Kung gusto mo, mag-isa kang magsuicide. Hindi naman required na magsuicide by group di ba?" Daming alam nito ni Kuya Driver kase ito namang si sosyaling Ate ayaw iabot yung bayad ko.
Lahat ng nakasakay sa jeep ako yung tinitignan habang may isang weird na lalaki na nakaglasses yung nagpupumigil tumawa.
Nakakahiya talaga tong pangyayaring 'to.
Yumuko nalang ako at nagsorry at muling pinaandar ni Kuya Driver yung jeep.
*ringing phone*
"Hello?" sagot ko sa caller.
"Hoy bruha asan kana?" Sigaw ni...*tingin sa phone* Mari?
"Uhmm.. ito sumasakay sa isang limosin na kulay *tingin sa kulay ng jeep* pink"
"Limousine?"
"Gaga. I mean jeep."
"Bakit limosin sabi mo?"
"Para sosyal! Duuuhh nerves!" Minsan may pagkaslow din 'tong kaibigan ko kagaya ng takbo ng jeep.I mean ng limousine na 'to.
"Ba't ka pala napatawag?" tanong ko.
"Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan! Asan kana? May biglaang activity dito sa school. Baka malate ka . Check Attendance!" taranta niyang sabi. Tae. Pati ako natataranta.
"Ok. ok. Wag ka ngang sumigaw daig mo pa yung naka megaphone. Ge bye." I hung up the phone.
PUTANG INA. Ang bagal ni Manong Driver.
"Kuya Driver, WIFI ka ba?" tanong ko na parang wala akong kashungahang ginawa kanina.
"BAKIT?" Sabat ng ibang pasahero.
Parang sila yung Driver?
"Kase, yung takbo mo ang bagal. Kairita" nasabi ko na din -_-
"WAAAAAAAAHHHHH" Bigla naming sigaw. Pinalakasan na ni Manong driver yung takbo.
Buti nga.
Malapit na ako sa school.
Ayan na yung school namin.
"Manong, para! Dito lang po!" sabi ko.
Pero tuloy parin yung takbo niya. Nalampasan na namin yung first gate ng school ko.
"Manong, dito lang po!" sigaw ko. Pero ang bilis parin ng takbo niya.
KAIRITA.
"HALA SIGE MANONG! PATUNAYAN NATIN NA MAY FOREVER!" Capslock talaga para intense.
"Waaaaaah" at hininto na nya yung jeep. See? Wala talagang forever.
Kaya ayun umalis na ako sa jeep na yun at pumunta nalang sa second gate since nalampasan ko na yung first gate.
Takbo lang ako ng takbo. Bakit parang yung storya na 'to ay puno ng pagtakbo? nagmimistulang action movie na ata 'to.
"Tang na juice! Ba't nakasara?" sinirado siguro kase may activity.
Pakshet. Kailangan ko talaga pumunta sa first gate.
Tumakbo na naman ako papunta sa first gate.
"Guard!" muntikan na akong malock!
"Oh, Paris. Mabuti't naka-abot ka." buti nalang friend ko'tong si Guard.
"Buti nga Guard. May ano po ba ngayon Guard?"
"May liga ngayon. Paul Academy vs. Genner High"
"Ah. Ba't close doors?"
"Para wala ng kaguluhan na mangyari dito. Last year kase nagkagulo may pumasok na outsiders at nanggulo".
Sorry, di ko kase alam kase kakatransfer ko lang this year.
"Ah. Oh sya, mauna na ako Guard."
"Cge" sabi ni Guard.
Agad na akong dumiretso sa gym at buti nalang hindi pa nagsisimula. Hinanap ko agad sina Mari at saktong nagwave siya sakin.
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Teen FictionBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."