Nagtapos na din yung junior year namin. Hindi ko na sasabihin yung mga nangyari kase ang boring lang at ngayon papalapit ng matapos yung summer. Ang tanging ginawa ko lang naman sa buong summer ay magtrabaho ng magtrabaho ng magtrabaho. Palagi nga akong niyayaya nila Sofia na magtake ng break pero hindi pwede kase sayang naman yung pera.
Close na din kami ni Ian pero hindi ko pa din nakikita yung buong mukha niya pero I don't care. Wala naman yun sa mukha kase ang bait din naman niya pagclose kayo medyo prangka lang siya minsan parang babae.
Papunta na ako sa Adam's Mental Hospital. Nagtataka siguro kayo bakit ako nandito?
"Hi po. Good Morning. Nandito po ba kayo para dalawin si Mrs. Alena Altegre?" sabi ng nurse na nadaanan ko.
"Opo. Nasa room niya po ba siya?" pagtatanong ko sa nurse.
"Oo. Pero natutulog pa po siya."
"Ok lang po nurse. Thanks." at nagsimula na akong maglakad papunta sa room ni Mommy.
Oo. Tama kayo ng rinig. Nasa mental hospital yung mother ko. 8 years na siyang nakaconfine dito. Nagkaganito siya nung namatay si Daddy at Kuya ng dahil sa akin. Ako yung sinisisi niya at alam ko din naman na ako yung may kasalanan. Sabi niya nga noon na sana hindi na lang niya ako pinanganak edi sana buhay pa sila Daddy at Kuya.
Pumasok ako sa room niya at nadatnan siyang natutulog. Hindi ko talaga mapigilan na maiyak pagnakikita ko siya sa ganitong kalagayan. Ilang buwan na din akong hindi nakakadalaw dahil busy ako sa school noon.
Nilagay ko yung dala-dala kong prutas sa mesa.
Ganitong time ko lang siya nakikitang peaceful. Pagtulog siya. Pagnakikita niya kase ako nagwawala agad siya kaya inaadvice nila na kung gusto ko daw dumalaw, best time daw yung pagtulog siya.
Hindi ko matandaan kung ao ang punot-dulo ng lahat-lahat ng ito. Kung bakit ako ang sinisisi ni Mommy sa pagkamatay nila Daddy at Kuya. Pero naalala ko yung sigawan nila Mommy at Daddy tungkol sa isang kabit. Wala pa ako sa tamang isip noon kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun.
"Ma, namiss kita." sabi ko habang hinahaplos yung buhok ni Mommy.
Naiiyak na naman ako.
"Anak..." napapasmile na hawak ni Mommy sa mga kamay ko na nasa ulo niya habang natutulog.
Sorry Ma. Alam ko na ako parin yung pinagbibintangan mo na may kasalanan sa pagkamatay ni Daddy at Kuya.
Sorry, ng dahil sa akin nagkakaganyan ka.
Sorry, ng dahil sa akin hindi mo kinaya.
Sorry, ng dahil sa akin naggive up ka sa buhay.
"Sorry Ma. Sorry." maiyak-iyak kong sabi sa kanya.
"IKAW!!!IKAW BAKIT KA NANDITO?" bigla nalang nagising si Mommy at sinampal ako.
Napahawak ako sa parte ng sinampal niya.
"UMALIS KA DITO MAMATAY TAO KA! UMALIS KA!" sigaw niya sa akin habang sinasabunutan ako. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang.
"Sorry Ma." yan nalang ang mga nasabi ko.
"PINATAY MO PAMILYA KO! HAYOP KA! SANA HINDI KA NA LANG NABUHAY SA MUNDONG ITO!"
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Dla nastolatkówBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."