Chapter 15: Bebe-harthart

211 10 7
                                    

A/N: Di ko pa to naeedit. Kaya baka may typo.


PS: Sinulat ko to para kay Taeyeon kase naiinspired ako sa kanya dahil kahit madami siyang haters hindi pa rin siya nagpapa-apekto. Magka-ugali talaga sila ni Paris :)


"Anong kaguluhan to?" bigla kong tanong kay Ali.

"Hindi ko alam eh." papasok na kase kami sa room. Siya nga pala 4months na kaming seniors at close na kami ni Ali na napakabait at napakamasunuring bata.

May nagkakagulo ata sa hall ng room namin kase madaming tao yung nakapaligid. Andun din sila Sofia, Celena at Mari.

"Paris! Halika!" tawag sa akin ni Sofia.

Pumunta naman kami ni Ali dun sa kinatatayuan nina Sofia, Celena at Mari.

"Anong nangyayari Mari?" pagtatanong ni Ali kay Mari. Btw, magkaibigan na din sila.

"Ang rinig ko may manghaharana daw sa class niyo." Sino naman kaya yun? "Pero yung haharanahan niya hindi pa dumadating."

"Sino yung manghaharana?"

"Si Kristian Tan. Yung cute niyong transferee."

Ah. Si Kristian lang pala. Ano? Si Kristian Tan manghaharana? Eh bakla yun di ba?

"Sure kayo?! Bakla kaya yun!" pasigaw kong sabi. Kayo kaya mashock di kayo mapapasigaw?

Napatawa naman si Ali.

"Paris!!!" sigaw ng isang lalaki na nasa likod ko.

"Kristian?" sabi ko ng hinarap ko siya. Binibigyan niya ako ng 'pinapahiya-mo-na-naman-ako' look.

"Ano? si Paris?" tanong ng kasama niya na may hawak na guitara.

"Anong ako?" tanong ko. Ramdam ko yung pakikichismis ng ibang students.

"Si Paris yung haharanahan mo?" di makapaniwalang sabi nung lalake na may hawak na guitar.

Napa 'Weh?' silang lahat. Aba! Mga lokong to.

"Ano?!" sabay naming sigaw ni Kristian at napatitig kami sa isa't isa.

"Teka. Teka. Naguguluhan ako." sabi ni Sofia habang inaawat kami ni Kristian na halos magpatayan na sa kakatitig sa isa't isa.

"Hindi. It make since na." pangiting sabi ni Mari habang hinahawakan yung baba niyang mahaba. Sorry na mahaba naman kase talaga.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Celena.

"Ikaw yung stalker ni Paris!" sigaw niya habang tinuturo si Kristian.

ANO? Si Kristian? Hindi pwedi 'to. Kailangan kong makaisip ng paraan.

"A-anong ibig mong sabihin? Itong mukha-" hindi na natuloy yung sasabihin sana ni Kristian ng tinakpan ko yung bibig niya at hinigit ko siya paalis sa crowd hindi na siya nakapagreact dahil nalilito na siya.

"Wag niyo na sila sundan at alamin nalang natin ang result ng panliligaw ni Kristian kay Paris." kinikilig na sigaw ni Mari sa likuran namin habang hawak-hawak ko yung kamay ng bakla-este ni Kristian at dinala ko siya sa rooftop.

"Ano ba ha? Grabe. Napagod ako sa kakatakbo. Tang ina ka!"

"Puta! Tumigil ka nga sa pagdadaldal mo!"

"Bakit mo ba ako dinala dito?" pagrereklamo niya. "May liligawan ako dun."

"Kaya nga eh. May favor ako hihilingin."

"Pagkatapos mo ko tawag-tawaging bakla maghihingi ka ng favor?"

"Sorry. Akala ko kase bakla ka kase sinabi mo noon na gusto mo maging magkaroon ng beauty katulad kay Ali."

"Ano?!" di niya makapaniwalang sabi. "I complimented her like that because I like her!"

"Y-you like her?" di ako makapaniwala. So, siya pala yung haharanahan niya? Akala ko tuloy bakla siya.

"Oo kaya aalis na ako dito at ipagpapatuloy ko yung gagawin ko."

"Wait." pagstostop ko sa kanya. "Pls. Do me a favor."

"Ano na naman ba?" kung hindi ko lang talaga siya kailangan hinulog ko na siya kanina pa dito sa rooftop.

"Pls. Magpanggap ka na ikaw yung stalker ko." alam kong ang shunga ko pakinggan pero

"ANO?!" halatang gulat na gulat siya. "at bakit ko naman gagawin yun?Ganyan ka na ba kadespereda para magkaroon ng boyfriend?"

Nagulat nalang ako ng sinampal ko siya. Minsan talaga may utak din tong mga kamay ko pero dala siguro ng galit. Kung alam lang sana niya yung pinagdadaanan ko at ang rason ng favor nato.

"Oo. Desperada ako." di ko mapigilang maiyak. Para kaseng sasabog itong puso ko sa kakatago ng sakit. "Desperada akong magkaroon ng tahimik na buhay dito. Yung hindi na ako binubully, kaya ko nasabi yun. Kaya ako nagpapanggap kase ayaw ko na, kase minsan nakakapagod na. Nakakapagod na talaga." napahagulgol ako sa iyak.

"Ito lang ang tanging paraan para hindi na ako pakialaman ng barkada ni Cheska. Kaya, Oo desperada na kung desperada."

Natahimik lang siya na nakayuko habang pinapahiran ko ang aking mga luha na hindi pa rin tumitigil sa kakalabas.

"May bet kami ni Cheska. Kung mapatunayan ko na may stalker talaga ako at nagtapat siya, lulubayan na nila ako. Pero sorry talaga, sorry kung naisipan ko na gamitin ka. Sorry kung desperada na ako." at umalis ako. Hindi ko na siya tingnan dahil ang blur na ng paningin ko dahil sa pagiyak ko.

Tumakbo ako pababa. Hindi ko alam kung sinundan ba niya ako o hindi. Pero siguro hindi. Bakit naman niya ako susundan?

Nakarating na ako sa room at saktong wala si Ma'am dahil nagabsent daw.

Nakita ko sila Sofia, Mari, at Celena na nag-uusap kasama si Ali.

"Guys." tawag ko sa kanila nung nakapasok na ako.

"Musta? Sinagot mo na ba?" tanong ni Celena.

"Nabalitaan ko na umamin na si stalker mo." pagsingit ni Cheska kasama ang mga barkada niya.

Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit gustong-gusto ni Cheska na magkaboyfriend na ako,

"Uhmm.." di ko mapigilang umiyak.

"Ano ba yan? Tears of joy?" pagjojoke ni Mari.

Ano ka ba Paris. Kayanin mo. Kaya mo sabihin ang totoo. Fighting!

"Kase... Sorry--"

"Ikaw talaga bebeharthart umiiyak ka parin pagkatapos kitang sagutin? Kailan ba yan matatapos ang tears of joy na yan?" sabi ng isang lalaki sa likod ko sabay akbay sa akin.

Nagulat ako kaya napatingin ako sa gilid kung nasaan yung lalaki.

"K-kris... Kristian?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon