"Paris wait." sigaw ng isang taong nasa likod ko. Papalabas na kase ako ng campus.
Pagtalikod ko sakto namang pagkarating ni Kris sa harapan ko na hingal na hingal dahil sa pagtatatakbo.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. "Bakit ka kase tumakbo? Oh ito tubig." inoffer ko yung hawak kong mineral bottle.
"I'm alright." hinihingal niyang sabi. "No but thanks." at nagsmile siya sa akin.
"Malinis to. Hindi ko pa to ininuman." baka kase iniisip niyang ininuman ko na to kaya ayaw niya.
"Ano ba okay lang ako. Sayo yan at baka nauuhaw ka."
"Hindi ako nauuhaw kaya sayo nalang to." tapos inabot ko yung bottle sa kanya na kinuha naman niya.
"If you insist." binuksan niya ito at ininom."Thanks. I will treasure this bottle forever." tsaka nilagay niya yung empty bottle sa bag niya? Anong gagawin niya dun? Ipapakilo ba niya yun?
"Walang forever." sabi ko tapos nagpatuloy na ako sa paglalakad at sinabayan niya naman ako.
"Hahahahahahahaha" nakakatakot naman ata tong taong 'to tumatawa lang ng bigla-biglaan.
"Why are you so bitter?" tanong niya pagkatapos niyang tumawa. "Have you been romantically hurt in the past?"
"Romantically?" at turn ko namang tumawa. "Nope. I've never been into such thing." Napapa-engriiish tuloy ako. Punyeta.
"Then why so bitter?" tanong na naman niya.
"Wala lang. Trip ko lang." I know naman na masama maglie pero hindi ako yung tipong taong nagshashare nalang kung kani-kanino. Well, alam ko namang mabait si Kris pero may mga bagay lang talaga na dapat itago at dapat ng kalimutan kahit iyon ang dahilan ng lahat-lahat kahit na kanina lang kami nagkakilala feeling ko ang bait-bait niya.
"Ah. Ok." alam kong alam niya na may something talaga pero ayaw na niyang ipilit pa dahil alam niyang ayaw ko na yung pag-usapan.
"Sorry pala kanina kung tinawanan kita." sabi niya na may sincere expression. "Nakakatawa lang talaga kase yung sagot mo."
"Ha? Okay lang yun ano." sabi ko.
"Akala ko kase galit ka kase pagkatapos kong tumawa bigla-bigla ka nalang umalis."
"Hindi noh. Ano ka ba. Ang babaw naman ng dahilan na yan." sabi ko.
"Sorry talaga." pagsosorry na naman niya.
"Pagmagsosorry ka pa ulit magagalit na talaga ako."pagbabanta ko na ikinagulat niya. "Joke" sabi ko at nagpeace sign.
"Ang cute mo talaga." sabi niya bigla-bigla tapos pinisil yung cheeks ko.
Ano daw? Shet. Bakit parang umiinit yung cheeks ko? Ito ba feeling ng pangblublush? Nyeta. Napapaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Tinignan ko siya at...
Bakit ang pula-pula din ng mukha niya? Tapos tinatakpan niya yung lips niya gamit yung likod ng mga kamay niya at parang umiiwas din siya ng tingin.
"Ok ka lang?" tanong ko sa kanya. Tapos nilagay ko yung kamay ko sa may leeg niya na parang chinicheek ko kung may lagnat ba siya.
"Wag!" sigaw niya sabay hawi ng kamay ko na ikinagulat ko.
"Sorry." agad naman niyang sabi. Parang pati din siya nagulat sa ginawa niya.
"Hindi. Ako dapat yung magsorry." sabi ko naman.
"Sorry. Nagulat lang kase ako sa ginawa mo." pag eexplain niya."Nandito na pala tayo."
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Teen FictionBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."