Ano bang alam ko sa larong basketball? Wala. Wala akong alam at kung hindi lang ito check attendance hindi na sana ako pupunta. Nagbabasa na sana ako ngayon. Tignan mo tuloy NaoOP na ako dito.
"Go Genner High!" sigaw ng kaklase ko sabay talon-talon with matching kaway-kaway. Bakit hindi nalang siya sumali sa cheer squad?
"Go! Zen loves ko!" isa patong si Sofia. Mamaos ka sana sa kakatili.
Yung iba ding babae. Sigaw ng sigaw. Mga baliw yata tong mga kaschoolmates ko pati kalaban chinecheer.
"Kristian! Ang gwapo-gwapo mo! Kyaaa~" baliw talaga.
"Hindi. Mas gwapo kaya si Kristoffer. Akin ka nalang Kristoffer. "
Ano ba talaga? Naglalaro ba sila o nagcoconcert? May pa wave-wave pa kasing nalalaman tong mga players ng Paul Academy at kung maka 'akin ka nalang Kristoffer' naman itong si Ate parang hindi na nahiya. Well, hindi ko naman siya masisi kung sila Chanyeol, Taecyeon, Jinwoon, Jungkook, Donghae, Myungsoo, Minho at iba pang Kpop idols yung naglalaro jan magau-audition talaga para sa role ng bola ng ako'y pag-agawan at mayakap nila.
Yung team captain ng basketball team namin ay mas pinatili pa yung mga babaeng katabi ko kase naman tumingin sya sa direksyon namin--sa akin? Ok. Ang feeling ko.
Yung mga babaeng baliw naman mas lumakas yung tili pagkatapos magwave nung isa pang player na taga Paul Academy. Tinakpan ko nalang yung ears ko at baka mabingi pa ako.
Hinanap ko nalang yung headphone ko sa bag at mabuti nga at nadala ko yun. Salamat naman. Lifesaver to o dba ears saver.
Kinuha ko na din yung Ipod ko na bigay ng Aunte ko at nanuod nalang ng A Walk To Remember to the highest volume ng hindi ko na marinig yung kakatili ng mga babaeng to.
Nagtataka siguro kayo kung bakit love story yung pinapanuod ko kahit ang bitter-bitter ko. Sabi nga nila kung gusto mo ng isang perfect na relationship, manuod ka ng love stories na movie at sa panahon ngayon sa movies ka nalang makakahanap ng true love. Sa movies lang naman kase nangyayari ang fairytales.
"Hoy babae anong ginagawa mo jan. Makisabay ka naman." sabi ni Sofia sabay tinangal yung headphone sa tenga ko.
"Wala akong alam sa mga ganyang laro." sabay balik ko ng headphone sa mga tenga ko.
"Weird mo. Basket di mo alam? Alien ka siguro." narinig kong sabi niya. Pinahinaan ko kase yung volume.
Eh ano? Gusto nyang tumayo ako katulad ng ginagawa ng lahat ng tao ngayon except sa akin? Magmumukha akong shunga nyan. Hindi ko nga alam kung bakit sila lahat tumatayo. Manunuod nalang ako ng movie dito. Di pa ako maoOP.
"Wooooohhhh" kahit na binalik ko na sa highest volume yung speakers ng Ipod ko rinig ko parin yung sigawan. Paano ba naman hindi ko maririnig halos lahat ng tao dito sa gym yung sumisigaw.
Try ko kaya manuod ng laro. Inilipat ko yung tingin ko sa laro. Ang alam ko naman sa larong to ay kailangan mo lang eshoot yung bola pero hindi ko alam yung mga rules nito. Basta, may lalaking hawak-hawak yung bola na sa tingin ko ay player ng Genner High -school namin- at ready na nyang eshoot yung bola.
"3... 2... 1" countdown ng mga tao sa loob ng gym.
*shoot*
"prrrrrrt" whistle ng refere siguro.
" WOOHOOOOOO!" At nagsitalunan lahat ng taga Genner High maliban sa akin. Para ngang sila yung naglaro sa subrang saya nila.
Nakita ko namang papalapit si Zen kay Sofia. Nasa 2nd bench kase kami nila Sofia, Mari at Celina yung nasa ibabaw na.
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Teen FictionBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."