Chapter 4: Bitterfly turns into The Love Expert

310 50 36
                                    

Sumakit ba naman tiyan ko. Di na ako kakain ng chocolate. Alam ko namang bawal ang sweets sa mga bitterfly buti nalang may gamot.

Kaya iniwan ko nalang sa locker yung isang chocolate at umuwi na sa amin.

"Malapit na pala yung recognition natin" sabi ni Celena. Magkasabay kaming pauwi kase malapit lang yung bahay namin.

"Oo nga nuh?" Ang bilis nga naman ng panahon. Next year seniors na kami.

"Malapit na tayong mag college, NBSB ka pa rin." sabi niya sa akin na may nakakalungkot na expression sa mukha. "Alam mo ba kong anong feeling pagkinikilig ka?"

"Alam ko yung feeling ng kinikilig. Kinikilig ako pag nagkakasweet moments sina Usui Takumi at Misaki Ayuzawa ng maid sama, kinilig ako ng naging official na sila Baekhyun at Taeyeon, kinikilig ako pagnanunuod ng Dating Alone ni Chanyeol, kinikilig ako sa MVs ng Troublemaker, kinikilig ako pag pinapanuod ko yung mga MVs ng bias ko at lalong kinilig ako nung niyaya ka ni Ken makipagdate." explain ko sa kanya. "Kaya wag mong sasabihin na hindi ko na experience ang mga bagay na iyon."

"Hindi yan yung ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin..." depensa niya. "...yung kilig sa sarili mong love life."

Aray ko bh3.

"Balang araw pag nakapunta na ako sa Korea, kikiligin na din ako sa sarili kong love life at pag nangyari yun..." tinignan ko siya at tinuro "Who u kayo sa akin." pagbabanta ko.

"Ewan ko sayo. Nangangarap ka na naman. Gutom lang yan kaya halika na at kakain na tayo." sabay pat niya sa ulo ko na para niya akong younger sister. Ang tangkad niya kase. 5'6 ba naman yung height samantalang 5'4 lang ako.

"Dun nalang tayo sa **** restaurant maglulunch" pagyaya sa akin ni Celena.

"Wala akong pera. Nabankrupt yung bulsa ko" paano ba naman hindi mababankrupt, andami kayang projects.

"Ikaw na lang. Busog pa naman ako." pagtangi ko.

"Libre ko."

"Yun naman pala. Edi tara na." Napatawa nalang siya tapos sumakay na kami ng jeep.

1 new message:

"Hi babe."


De fvckq! Sinong hayop ang nagtext sakin nito? Amputa. Mareplyan nga.


"Hindi niyo po ako anak. Wag tanga. Sino to?" clinick ko yung send.

Ang harsh ko ba? Hindi naman siguro.

Inantay ko yung reply ng biglang nagsiksikan sa jeep. Parang sardinas lang yung peg.

Tinignan ko si Celena na medyo tulala.

"Hoy, Okay ka lang?" Tanong ko.

"Oo. May iniisip lang" sabay ngiti sakin.

"Ah ok".

Palakpakan pala natin tong babaeng ito kase siya yung nakaprove na may himala. Manlilibre ba naman siya sa akin for the first time and last na siguro.

1 new message:

"Di mo'to kilala? This is Lance, babe. I love you. Can we have a date today?"

Lance? You mean Lance Lim? The Good Son of Mayor Lim? Inhale. Exhale. ang OA ko. Baka ibang Lance lang to. Parang siya lang yung nag-iisang Lance sa earth? Baka nga may Lance sa ibang planeta. Pangalan ng alien. Ang bait kaya ng kilala kong Lance Lim. Itwo-two time si Mari the Nerd-looking Goddess? No way highway! Papatayin ko talaga siya! Pero alam ko namang nag eexaggerate lang ako.

The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon