"Yes! Natapos na din yung pagtuturo nung boring nating teacher." sabi ni Sofia na parang inaantok.
"Pagtuturo ba yun? Wala nga akong naintindihan sa mga sinasabi nun eh." sabi ko naman habang inaayos yung mga gamit ko sa bag.
"Tara na. Uwi na tayo." pagyaya sa amin ni Celena.
"All Class President please go to the SSG office right now for you will be having a meeting together with the SSG Officers." announcement ng SSG adviser.
"Panu yan? Hindi tayo sabay uuwi ngayon?" sabi ni Mari habang may malungkot na expression sa mukha.
"Ano ka ba. Ok lang." sagot ko naman kahit hindi okay.
"Sure ka ha? Sige mauna na kami." sabi ni Mari at lumabas na sila kasama ni Celena na nagbye na sa akin.
"Wag kang mag-alala kahit hindi ka namin kasama sa pag-uwi ngayon nasa heart ka naman namin palagi."
"Uuwi ka ba? O mageemote?" sagot ko naman. Magmmk ba naman ngayon.
"Hahahaha. Sige. Bye" at lumabas na siya ng room.
"Bakit ngayon pa? Gagabihin talaga ako ng uwi nito." pagrereklamo ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang SSG office. Ako lang naman kase ang Class president ng section namin. Hindi ko talaga kung paano ako nahalal bilang class president basta ang pagkakatanda ko, walang may gusto nung position kase daw ang hectic daw ng schedule ng mga officers. Sila yung pinapahandle ng teachers sa mga assigned events ng class, tapos kailangan daw straight A's yung makuha tapos on the spot meetings kagaya ngayon. Kung hindi lang talaga ako scholar ng school na ito nagback-out na siguro ako noon pa kaso kailangan ko nalang talagang pumayag para hindi nila kunin yung scholarship ko. Ayaw ko din namang magreklamo.
Kumatok ako sa pintuan ng office ng SSG baka kase may tao sa loob.
"Pasok." sabi ng isang lalaki sa loob.
Binuksan ko yung pintuan ng office.
Kahit ilang beses na akong nakapasok dito namamangha pa rin ako kase naman yung itsura ng office pangmayaman. Yung simple pero elegant sa paningin tapos yung wall napapaligiran ng mga abstract paintings na ang kukulay tignan. Tapos may isang mahabang glass table sa gitna na may chairs sa gilid nito. Yung gitna ng chairs may mga pink rose. May isang puting tela din sa dulo. Siguro naiwan nung naglilinis. Naka air-conditioned pa yung office na ito. Sa lahat ng room siguro ng campus ito yung pinaka favorite ko.
Bakante pa yung mga upuan. So, ako pala yung nauna pumunta dito kahit palagi naman akong late sa meeting.
Mag-iikot na sana ako sa room na ito ng biglang umikot yung chair na nasa pinakadulo ng table...
At may lalaking nakaupo na nakaglasses at nakasleeveless. Shet. Ang ganda nung biceps niya. Napalunok tuloy ako ng laway dahil sa nakikita ko ngayon.
Pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita?
"Andrei wala na akong braces..." sabi niya ng nakangiti ng malapad sa akin tapos parang siniseduce niya ako o baka ako lang talaga ang nag-iisip ng ganun?
Andrei? Ako ba yung tinutukoy niya? Parang Paris naman ata yung pangalan ko di ba? Tumingin ako sa gilid ko kase nakakailang yung titig niya.
"Shit. Sorry talaga. A-akala k-ko k-kase.. Shit. Sorry." sabi niya habang dali-dali niyang isinuot yung polo niya na nasa table.
"I'm r-really sorry Paris. I.. I thought s-si Andrei ka..." bakit ba siya nauutal? Siguro nahiya lang talaga siya sa ginawa niya.
"Ok lang po." sabi ko nalang . pero... wait.
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Dla nastolatkówBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."