At bakit marami akong nakikitang kulay pula sa school ngayon? Kaninong birthday?
Sino bang niloloko ko? Edi sarili ko. Alam ko namang hindi birthday ngayon. Syempre Feb.13 ngayon. Oo, Hindi nga Valentine's Day ngayon pero tong mga estudyanteng 'to kung makapaghanda ay wagas. Bukas pa nga yung Valentines ang excited nila masyado.
Napadaan kase ako sa HS lounge dahil inutusan ako ng teacher namin na ipadala tong mga papel na to sa principal's office.
Sa HS lounge kase nilalagay ang mga booth pag may special occasion sa school.
At para sa akin hindi na kailangan maghanda ng ganito ka bongga ng mga tao dahil hindi special ang Valentines.
"Love is in the air na talaga." Sabi ng isang class committee member na busy sa pagpreprepare ng mga gagawin nila bukas.
"Oxygen, Nitrogen at Carbon Dioxide yun Ate. Okay?" sabi ko sa kanya.
Ang bitter ko nuh sino ba namang hindi magiging bitter kahit saan ako magpunta ngayon puro heart shape nalang makikita ko sa paligid. Wala bang lugar para sa mga single ngayong Valentines?
May isang lalaki na tinitigan ako at bigla nalang tumawa ng malakas. Natahimik yung lahat at sabay titig na din sa akin.
Anong ginawa ko para tumitig sila ng ganyan? May dumi ba sa mukha ko? Naself-conscious tuloy ako. Pagkatapos nila akong titigan yung tumatawang lalaki naman yung tinignan nila. Parang may halong pagkagulat sila sa nakikita nila ngayon. Baka kase akala nila nashushunga na yung lalaki?
Hindi parin tumigil yung lalaki sa kakatawa na nakahawak na sa tiyan niya at umiiyak na sa kakatawa nito.
Wait, si Kris to ah? At bakit parang nasasapian siya ngayon?
Nung nakaget-over na siya sa kakatawa, inayos na niya yung sarili niya at humingi ng paumanhin sa mga kasama niya. Nag-iwas naman yung mga tingin ng tao sa kanya at tinuloy na yung pinag-gagawa nila. Ako naman ang tumitig sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa. Hindi din yun nagtagal ng umiwas naman siya nung may nagtanong sa kanya.
"President, saan po natin ilalagay yung Marriage Booth?" tanong nung isang class committee member.
Siya pala nagpasimuno ng lahat ng kakornehang ito. Makaalis na nga at baka mahawa pa ako sa kakornehan at kashungahan ng presidente nila. Dahil na nga malapit na ang Valentines magiging loner talaga ako ngayon at bukas.
Nagtungo nalang ako sa principal's office at pinatung ko na yung mga papel na pinadala at tsaka umalis na din ka agad.
Pumasok muna ako sa cr dahil tinatawag na ako ng kalikasan. Pinasok ko yung pinakahuling cubicle dahil yun yung pinaka malinis dahil wala masyadong gumagamit nun at dahil takot din yung iba kase nga daw may multo dito.
Habang nasa cubicle ako may narinig akong papasok na mga tao.
"Girl, may chika ako sayo" sabi ng isang maarteng tono.
"What is it gurl?" sabi ni Girl no.2.
"Kanina daw gurl tumawa si President. Yung tunay na tawa. May picture nga ako dito." sabi ni gurl no.1 na parang may hinahalungkat.
Bat ba ako nakikinig ngayon? Ano bang pakialam ko sa pinag-uusapan nila? Pero ang tagal kase lumabas ng gusto kong ipalabas. Ang rami ko kasing kinain.
BINABASA MO ANG
The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]
Teen FictionBitterflies let sing~ "Pen pen disarapen forever mo wala pa rin."