CHAPTER 9

15 0 0
                                    

                                :)

Maaga akong nagising. Wala sa tabi ko si Red, pagmulat nang aking mga mata ay nakita ko ang side niya na malinis. Paglabas ko nang kwarto ay nasa kusina siya at nagluluto nang pagkain.


"Marunong ka magluto?" Kaagad kong sabi nang hindi siya binabati.



Humarap siya sa akin habang suot ang apron na may print na katawan ng lalakeng may abs, "A friend teach me."



Hinila ko ang isang upuan sa may lamesa at umupo doon. Inabot ko ang pitsel na may tubig at nagsalin sa isang baso, kaagad kong ininom yun.



Pinatay ni Red ang kalan. Humarap siya na may hawak-hawak na plato sa magkabilang kamay. Una niyang nilapag ang isang plato na may hotdog at itlog. Ang pangalawang plato ay garlic rice na umuusok pa.



"Sinong friend mo nagturo sa'yo?" Tanong ko habang ang mga mata ko'y nasa pagkain.



"Someone you don't know."



Napalabi ako sa sagot niya. Ang sungit niya talaga kahit kailan! Nagsandok nalang ako nang pagkain at hindi na siya kinausap.



Napatikom ang bibig ko nang matikman ang garlic rice. Pinilit ko 'yon lunukin kahit nahihirapan ako. May mapait akong natikman at sa hula ko ay bawang 'yon. Kulang sa asin ang fried rice niya. Kinagat ko ang ang hotdog at muntikan ko ng maluwa dahil malamig pa ang gitna niyon. Hindi masyadong naprito huhu!



"Is there something wrong?" Napatingin ako kay Red at mabilis na ngumiti sabay iling.



"Wala, Wala! Ang sarap ng luto mo infairness." Sumubo ulit ako at nginuya yun ng mabuti kahit na gusto ko nalang lunukin agad.



Seryoso lang siyang tumingin sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang kuhain ang plato ko pati na rin ang iba niyang luto. Tinapon niya yon sa basurahan at nilagay ang plato sa lababo. Teka may sinabi ba akong pangit?



"Teka! Sayang yung pagkain!" sinubukan ko siyang awatin kaso ang laki niyang tao.



Humarap siya sa akin na walang emosyon ang mga mukha, "You're a liar. The hotdog isn't cooked yet and the rice has a bitter taste."



Napauwang ang labi ko sa sinabi niya. Naririnig ba niya ang nasa utak ko?



"I taste it. Hindi masarap luto ko." mariin niyang ani.



Ah so naririnig nga niya?



"Pwede naman remedyuhan 'yon. Tinapon mo agad!"



"No, umuwi nalang tayo. Kanina pa ako tinatawagan ni Mommy, for sure she cooks breakfast for us." nilagpasan niya ako at tinungo ang kwarto na tinulugan namin kagabi. Paglabas niya ay dala-dala na niya ang bag niya.

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon