CHAPTER 4

10 0 0
                                    

                                :)


"Anong ginagawa mo sa labas ng gantong oras?" Lumuhod siya upang magkapantay kami. 



Hinawakan ko ang braso niya at tinignan siya ng diretso, "R-Red, Ilayo mo ko rito. Ayoko rito!" Pagmamakaawa ko habang nanginginig ang aking boses.



"Ano nangyari sa'yo? Your clothes." Mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ako habang nakakunot ang noo.



"Please, Red, ilayo mo ko rito." humagulgol na ako.



Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin gamit ang dalawa niyang malalaking braso at pinasok ako sa loob ng sasakyan.



Hindi siya kumikibo habang nagmamaneho. Parang ang lalim ng kanyang iniisip dahil humihigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Nanatili akong tulala at hindi maiwasan ang maluha.



"Kahit dalhin mo nalang ako kela Ella o kaya kay Melanie. Gusto ko lang makalayo sa amin." Basag ko sa katahimikan.



Hindi niya ako kinibo at patuloy lang siya sa pagmamaneho. Ang sunod na naalala ko ay pumasok kami sa isang exclusive na subdivision dito sa Cebu. Tanging mga mayayaman lang ang nakatira dito, yung mga taong nasa politika o mga businessman.



Napapatingin ako sa mga malalaking bahay na nakatayo rito. Ang lalaki ng mga ito at ang liliwanag. Tumigil kami sa isang puting bahay na may kulay pink na pinto. Ito marahil ang bahay nila.



"Bakit dito mo ko dinala?" kinakabahan kong tanong, "B-Baka magalit Daddy mo at nagdala ka ng estrangherong katulad ko."



"He's not here," tinanggal niya ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Umikot siya papunta sa pinto kung saan ako nakapwesto at binuksan iyon,  "Let's go."



Ramdam ko pa rin na nanghihina ang tuhod ko pero pinilit ko na itapak iyon sa lupa. Napatalon pa ako dahil ang taas ng sasakyan niya kung kaya't bumagsak ako sa dibdib niya. Sinalo niya ako at nakita ko ang pag-iling niya. Binuhat niya akong muli na pang-Bridal style.



"Kaya ko naman," mahina kong sabi.



Ang totoo ay hindi ko kaya dahil may hagdanan pa kaming aakyatin bago makapunta sa main door ng bahay. Naiilang lang kasi ako dahil sobrang lapit ng mukha ni Red sa akin at naamoy ko ang pabango niya.



Automatic na bumukas ang pinto at para akong nahiya ng makita ang dalawang kasambahay na nakasuot ng mga uniporme na kulay pink. Binati siya ng mga eto at nagsikuhan pa ng makita ako kaya bahagya akong yumuko.



"Si Paolo?" Diretso niyang tanong sa dalawang kasambahay.



"Nasa kwarto niya po." Sabi nung isang kasambahay.



"Tulog na po." Sagot naman nung isa na may iilang hair clip sa buhok.


When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon