CHAPTER 11

10 0 0
                                    

                                :)

Hindi ako mapakali sa kwarto ko. Palakad-lakad ako pero iisang direksyon lang naman ang pinupuntahan. Napatakbo ako bigla sa kwarto ko sa napagtanto ko kanina. Kinakagat ko rin ang kuko ko kaya nasisira ang kutix nito. 


"No, hindi maari!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Huminga ako nang malalim at pinagpag ko ang nasa isipan ko. Inaasahan na mawawala ang lahat ng naiisip.


Bago pa man niya ako tulungan. Nung nasa sapa pa lang kami ay hindi ko na nagustuhan ang ngiti niya! Ilang araw din nagpabalik-balik ang mukha niyang nakangiti saakin. Akala ko ay dahil minsan ko lang siya makitang nakangiti pero ng pagtagpi-tagpiin ko ang mga kaganapan noong kasama ko siya ay iba na pala ang dahilan!


"Camilla, kapatid siya ng boyfriend mo... Tumigil ka." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.


"Hindi kita type." Bumalik sa isipan ko ang sinabi saakin noon ni Red.


"Tama! Hindi ka niya type kaya tumigil ka na. Wala lang 'to, masyado kang na-overwhelmed sa pinapakitang kabaitan sa'yo ni Red kaya ka nagkakaganyan." Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko.


Nag-inhale and exhale ako para kalmahin ang sarili ko. Nag-umpisa nanaman ako magmartsa sa iisang direksyon, "Wala lang 'to." bulong ko habang tinatapik nang mahina ang dibdib ko.


"Dapat na ba ako kabahan dahil kinakausap mo ang sarili mo?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng isang lalake sa pintuan. Prente itong nakasandal sa may pintuan.


"K-Kanina ka pa andyan?" utal kong tanong.


Umiwas siya ng tingin at tumingin sa ibang direksyon, "Kakarating lang."



Umayos ako ng tayo, "B-Bakit ka andito?"


Itigil mo ang pag-utal mo, Camilla! Napaghahalataan ka! 



"Hinahanap ka ni Mommy. Bigla ka raw kasi nawala, she's worried." Inayos niya ang nagusot na manggas ng polo niya.



"A-Ah ganon ba? S-Susunod a-ako."  ani ko.



Kumunot ang noo niya at kinabahan ako nang lumapit siya saakin. Napaatras ako nang bahagya, "Are you okay? kanina ka pa nauutal."



"O-OK — Okay lang! Okay lang ako." Pilit akong ngumiti sa kanya.



"Are you sure?"



"Oo," tumango ako at iniwasan ang mga mata  niya, "Sige na, susunod ako. May kinuha lang ako rito kaya bigla akong nawala." pagsisinungaling ko.


"Okay," tumalikod siya at naglakad papunta sa pintuan. Lumuwag ang paghinga ko saglit pero nanikip ulit nang humarap ito, "By the way, Congrats." Hindi nakawala saakin ang pagkunot ng kanyang ilong, ang hilig niyang gawin.

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon