:)
"Pre, mamimiss kita!" Dinamba ni Ian si Paolo nang yakap.
"Mamimiss ko kayo mga pre!" Nakisama sa kanila si Harris.
"Parang mga tanga." Bulong na sabi ni Melanie sa tatlo.
"Ano ba magugulo uniform ko!" Tinulak ni Paolo ang dalawang kaibigan at inayos ang nagusot na uniform.
Huling araw ng klase namin ngayon, bakasyon na. Nagkalat ang mga estudyante sa buong paaralan, mga nagpapaalam sa kanilang mga kaibigan.
"Pre, 'wag mo kami kakalimutan ah. Kami pa rin kaibigan mo kahit pupunta ka na ng manila." ani Ian.
"Bobo mo, si Kuya 'yun hindi ako." si Paolo.
"Sorry, magkamukha kasi kayo." Tumawa siya.
"Kadiri ka pre! Mas gwapo ako do'n."
Humarap na nakalabi saamin si Melanie. Muli niya kaming niyakap na akala mo ay mawawala kami.
"Ma-mimiss ko kayo." Mahina niyang sabi.
"Para kang tanga, Mel. Magkatapat bahay lang tayo eh." Hinawi ni Ella ang kamay niya.
"Si Camilla malayo na sa'tin."
"Pwede naman kayo dumalaw saamin." sabat ni Paolo.
Nagliwanag ang mukha ni Melanie at agad na lumapit kay Paolo, "Talaga? Baka nakakahiya sa mommy mo!"
"Hindi, si Mommy pa nga may gusto na pumunta kayo sa bahay namin. Gusto niya raw makilala ang mga kaibigan ni Camilla." Tumingin sa akin si Paolo, ako naman ay todo iling. Hindi naman sa ayaw ko papuntahin ang mga kaibigan ko kaso saling pusa lang naman ako sa bubong nila. Ang kapal naman ng mukha ko kung mag-iimbita pa ako.
"Ay, hindi ako tatanggi kay Tita Lilian!" Gumuhit ang excitement sa mga mata ni Melanie.
"Kapal talaga nang mukha mo, Mel. Mas makapal ka pa sa talampakan ko." Sabi ni Ian.
"Excuse me, huwag mo nga ako ihalintulad sa talmpakan mong puro kalyo!" Inirapan siya ni Melanie.
"Excuse me rin, kakapalinis ko lang kaya nito. Kaya makinis at malinis 'to!" Pinagpag ni Ian ang uniform niya.
"Pero budhi mo hindi." Nagmake face si Melanie sakanya.
"Okay lang, atleast hindi narereject!"
Mukhang mag-uumpisa nanaman ang dalawa. Hinila na ako papalayo ni Paolo doon dahil alam na namin ang mangyayari sa dalawa, giyera nanaman.
BINABASA MO ANG
When life plays out (TCS#2)
FanfictionChoosing was my greatest fear. As I thought choosing was easy like choosing between two candies in front of you. But it became hard when I grew older, choosing between two people that are important to me. Red 'dos' Salvador was the brother of my fir...