:)
"Tio... H-Huwag po..." Pinipilit kong kumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. Pinipilit kong bumangon. Pinipilit kong makaalis sa sitwasyon na 'to.
"Tio!" Napabalikwas ako nang bangon. Habol ko ang aking paghinga. Naramdaman ko rin na basa ang aking pisngi.
"Camilla!" Bumungad sa akin ang mukha ni Red na nakakunot ang noo. "Are you okay?" hawak niya ang magkabilang balikat ko.
Umiling ako sabay nang paghilamos ko sa aking mga mata. Namuo ang mga luha saaking mata at hindi ko iyon napigilin nang bigla itong nag unahan pababa sa aking pisngi. Wala sa sariling napayakap ako sa kanya at napahagulgol.Naramdaman ko na medyo nagulat siya sa ginawa ko at naestatwa pa pero kalaunan ay niyakap niya ako pabalik.
Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko, "Shh, it's okay, it's just a bad dream."
Humiwalay ako sa pagkakayap namin. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan siya, "A-Ano pala ginagawa mo sa kwarto ko?"
"I passed by your room. I heard your voice." Maikli niyang paliwanag.
"Kaya ka pumasok?"
Bahagya siyang tumango, "Akala ko kasi gising ka pa."
Umiwas ako sa tingin niya. Ang lalim talaga ng itim na mga mata ni Red. Hindi mapagkakaila na lahat nang taong tumitingin sa kanya ay napapaiwas din. Para kasing tumatagos ang mga mata niya sa akin.
Tumikhim siya para kuhain ang atensyon ko, "You should go back to sleep."
"Hindi ako sigurado kung makakatulog uli ako." May pangangamba kong sambit, bahagya pang pumiyok ang aking boses.
Tumayo siya at tinignan ang mga gamot na nasa gilid ko. Yun ang mga gamot na nireseta sa akin ni Ched. Sabi niya makakatulong daw sa akin 'yun upang kumalma ako o hindi kaya'y kapag hindi ako makapag-isip nang maayos.
Binuksan niya ang isa sa mga bote doon. Hinawakan ko ang kamay niya ng akmang kukuha doon ng gamot. Tinignan niya ako na parang naguguluhan, umiling ako sa kanya, "Hindi ko kailangan uminom niyan."
"But it says here calming pills." Binasa niya ang nakasulat doon.
"Alam ko. Hindi naman ako masyado nagpapanic o ano. Hindi rin kailangan dahil nakainom na ako niyan kanina."
Binaba niya ang bote bago tumayo. Lumapit siya sa cabinet na malapit sa Tv stand at may kung anong kinuha do'n. Pagharap niya ay nakita ko ang isang bote ng tubig. Ngayon ko lang naalala na may maliit na ref nga pala sa cabinet na 'yon.
Binuksan niya 'yon at iniabot sa akin, "Drink it to lessen your worries," Kinuha niya ang dalawang unan na hindi ko ginagamit na nasa single chair malapit sa pintuan papunta sa balcony. Nilagay niya yun sa magkabilang gilid ko, "They say if you don't have someone to hug in your sleep. A pillow is an alternative, and it can help people to change their stress, anxiety and other heavy feelings into a positive way."
BINABASA MO ANG
When life plays out (TCS#2)
FanfictionChoosing was my greatest fear. As I thought choosing was easy like choosing between two candies in front of you. But it became hard when I grew older, choosing between two people that are important to me. Red 'dos' Salvador was the brother of my fir...