:)
Maalinsangan ngayong hapon. Nandito lang ako sa loob ng bahay pero pinagpapawisan pa rin ako.
Tinitignan ko ang bagong litrato na pinaskil sa sala. Parehong nakaupo sina Mommy at Daddy doon, habang ako ang nakatayo sa gitna nila at sila Paolo naman ay nasa gilid ko.
Napakunot ang noo ko nang ialog ko ang dutchmill na iniinom ko, ubos na pala. Ito lang kasi ang malamig na maiinom ko ngayon dahil ang mga tubig ay kakarefill lang nila Ate Gina.
"May lakad ka?" tanong ko kay Red na nagkukumahog bumaba habang inaayos ang butones nang polo.
"I have a date remember." sagot niya nang matapos sa pagbubutones.
"Oh, si Althea?"
"It's Athena." pagtama niya sa akin.
"Ah! Athena pala name niya. Sorry hindi ako matandain sa mga pangalan." ani ko.
"What do you think should I give her? A flower? Chocolate? Perfumes? Teddy bear?"
"Ewan ko, hindi ko naman alam personality niya." sagot ko, anong malay ko sa mga dates ng mayayaman?
"Nevermind." dumiretso siya sa lamesa na malapit sa pintuan at kinuha ang susi nang kotse.
Pinanood ko lang siya na lumabas sa bahay. Hanggang sa pag-alis niya ay nakamasid ako. Mukhang may sinabi sa kanya si Mommy para sundin siya nito.
"There you are!" napalingon ako kay Mommy na nakasuot ng gym clothes, "Samahan mo 'ko magworkout."
"Po?"
Tama ba narinig ko na magwoworkout kami? Ano alam ko sa pagwoworkout!?
"Come with me, nakahanda na 'yung susuotin mo sa kwarto mo." Hinatak niya ako paakyat.
"Wala naman po akong alam sa pagwoworkout." kinakabahan kong sabi.
"Kaya nga you're joining me. So, I can teach you how!"
Pumasok kami sa kwarto ko at nakalatag sa kama ko ang leggings at brallette na color pink.
"Masyado kasing conservative si Paolo kaya suotin mo din 'to." Nilapag niya ang kulay puti na v-neck shirt. "Go! Magchange ka na!" tinulak niya ako papasok sa cr ko.
RED'S POV
"Please anak pagbigyan mo na si Mommy." mom keeps on following me around.
"Mom, I'm not good at entertaining girls." I faced her while holding a piece of paper in my hand.
BINABASA MO ANG
When life plays out (TCS#2)
FanfictionChoosing was my greatest fear. As I thought choosing was easy like choosing between two candies in front of you. But it became hard when I grew older, choosing between two people that are important to me. Red 'dos' Salvador was the brother of my fir...