CHAPTER 5

15 0 0
                                    

                                :)


Pagbalik ko sa kwarto ko nakita ko ang isang uniform sa kama ko. Ilang araw din akong hindi pinapasok nila Tita Lilian kasi sinigurado nilang okay ako. Mamaya pag-uwi may appointment ako sa isang psychiatrist. Mas makakabuti raw para sa akin kung magpapatingin ako sa mga espesyalista lalo na at nabanggit ko na hindi ako masyado makatulog sa gabi.



Pagbukas ko ng pinto ay nagkagulatan pa kami ni Red. Pakatok palang siya nang buksan ko ang pinto. Inangat niya sa harapan ko ang isang cute at kulay pink na backpack.



"Pinabibigay ni Mommy," malamig niyang sambit.



"Para sa akin?" gulat kong tanong.



"Yes."



Kinuha ko iyon sa kanya at tinignan ang laman, "Wow! Ang cute!" Bumungad sa akin ang mga magagandang kulay ng notebook at may pen case doon na may  lamang kulay pink na mga ballpen.



"Bilisan mo, naghihintay sa'yo si Paolo sa baba." sabi niya at umalis na sa harapan ko.



Ang cute ng mga laman ng backpack ko, pangbabae lahat. Hindi katulad nung ginagamit ko talaga. Mga pinaglumaan ng mga pinsan ko.



Sinukbit ko na ang backpack sa balikat ko at nagmamadaling lumabas.  Nakita ko ang sasakyan na nakaparada at naghihintay doon si Mang Ben, habang si Paolo ay nasa loob ng kotse.



"Magandang umaga, Mang Ben." bati ko sa kanya nang pagbukas niya ako ng pinto.



"Magandang umaga rin, Ma'am Camilla." bati niya pabalik.




Napatigil si Paolo sa pagbabasa ng komiks nang tumabi ako sa kanya.



"Right on time," sabi niya at binaba ang binabasa.



Pareho kaming 3rd-year high school ni Paolo. Si Red, ayon 4th-year high school pa rin, dalawang beses siyang umulit.



"Sa tingin mo pag tinawagan ko si Matthew, papayagan ako ni Tita Lilian na tumira sa kanila?" tanong ko sa kanya habang nasa byahe.



"She won't allow you." humarap siya sa akin, "Why do you keep insisting to move there? Ayaw mo ba sa bahay namin?"



"Hindi naman sa ganon. Nahihiya lang kasi ako sa mommy mo, tsaka sainyo ng kuya mo."



"Camilla, how many times do I have to tell you na wala kang dapat ikahiya. Mom likes you. Mom wants you to stay in our house to keep you safe. I and my brother wants that too."



"Alam ko, pero hindi ba ang pangit tignan na biglaan niyo ko kukupkupin? Hindi ba magagalit si Mayor? Yung mga tao... Pano kung may masabi sila? Lalo na malapit na ang eleksiyon. Pano kung sabihin nila na kung sino-sino ang dinadala ni Mayor sa bahay niya."

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon