CHAPTER 20

5 0 0
                                    

                                :)

"Knock! Knock!" Napalingon ako sa taong nasa pinto ko.



"Mommy?" May halong gulat ko siyang natawag. Himala kasi na andito siya ng gantong oras sa bahay.



"Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya.



"Opo naman po," pinagpag ko ang tuhod ko at inayos ang mga nagkalat na libro ko.



"Mukhang naistorbo kita sa paglilinis mo." Tinignan niya ang mga gamit na inaayos ko. 



Wala naman talaga sa plano ko ang maglinis ngayong gabi. Siguro dahil hindi pa ako inaantok at hindi rin ako pagod. 



"Hindi naman po. Ang aga niyo po umuwi ngayon." Bihira ko nalang talaga siya makita sa bahay namin. Alas otso nang gabi ay sobrang late na para sa'kin noon pero ngayon na sa ibang bubong na ako ay maaga pa ito sa'kin.



"Medyo gumaan-gaan na kasi ang mga inaasikaso ko. T'yaka sinabihan din ako ni Daddy mo na magpahinga muna at makipag bonding sainyo." Umupo siya sa kama ko.



"Gusto niyo po ba ipahanda ko kila Ate Gina ang baththub niyo?" Alam ko 'yun ang favorite niyang gawin kapag stress siya. Ang magbabad sa bathub niya.



"Hindi na, I'll just sleep tonight, that's all I need for now." 



Hanga talaga ako kay Mommy kahit na halata sa mga mata niya ang stress, nagagawa pa rin niyang ngumiti, nagagawa pa rin niya maging malambing.



"Okay po," tumango ako at umupo sa tabi niya.



"I just want to give you this." Inilabas niya sa bag ang isang cute na bracelet, "I had a meeting with Nanay Brenda, there house was on fire last monday."



"Sila po pala 'yun. Kamusta naman po sila?" tanong ko.



"Luckily, they're all okay. We gave them every help they needed. I also lend them one of Henry's personnel to assist them with whatever they need. She gave me this bracelet to give to you, this was their business, making a handmade bracelet. Sadly, this is the only thing they got." Paliwanag niya.



"Kawawa naman po sila, may pwede po ba akong gawin para matulungan sila?" 



"No, wala naman na. Nabibigay na namin lahat nang kailangan nila."



"Damit po? Baka po kailangan nila? Marami po akong damit na hindi po nagagamit, pwede ko po ibigay 'yon." pagpipresinta ko.



"There's no need to give out your clothes. May mga bago na silang damit, h'wag ka mag-alala."



Ilang segundo na ba ako nakatunganga sa bulletin board na 'to? Hindi ako makapili sa club na sasalihan ko. Pinag-iisipan ko kung Arts Club or Book club ako sasali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon