CHAPTER 17

4 0 0
                                    

                                :)

Pinabibilis nanaman niya ang pagtibok nang puso ko. Bakit ba kada magbibitaw nang mga gantong klaseng salita si Red ay parang nababaliw ang puso ko?


Umiwas ako sa itim at malalim niyang mata. Nasobrahan sa pagasunog ang marshmallow ko na kanina pa nasa apoy. Tinabi ko nalang iyon dahil pati ang loob ay nasunog.


"Gabi na pala. Pwede na ba tayo bumalik sa suite?" Pinagpag ko ang kamay at pwetan ko.



Tumayo siya kaya napatingala ako sa sobrang tangkad niya. May kung ano siyang tinaggal sa buhok ko, "I think mom was back at our suite."



Naglakad na kami papalayo sa bonfire. Hindi na kami nagpaalam sa mga kaibigan niya dahil bigla nalang nawala ang mga ito, bukod kay Blake na iniwan nalang basta ang babaeng kausap kanina.



Maingat niyang binuksan ang pinto ng suite namin. Madilim ang buong paligid kaya kailangan pa niyang buksan ang ilaw. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig.



"You want some water?" Pipihitin ko palang sana ang doorknob nang pinto ko nang magsalita siya.



"Hindi naman ako nauuhaw, salamat sa pag-alok." At tuluyan na akong pumasok sa loob.



Nahiga ako sa malambot na kama. At ito nanaman ang utak ko na ginugulo ng mukha ni Red. Paulit-ulit kong naiisip ang malapit niyang mukha sa akin.



Malinaw na malinaw ang mga mata niya, pati ang ilong at labi niyang mapula.



Napaupo ako mula sa pagkakahiga at mahinang sinampal-sampal ang sarili, "Camilla, ito nanaman tayo. Wala lang 'to. Mabait lang siya kasi girlfriend ka ng kapatid niya at parte ka ng pamilya nila!"



Nagpapadyak ako sa inis na bakit kung ano-ano naiisip ko sa pinapakita sa akin ni Red. Bakit ba lahat ng aksyon na ginagawa niya ay binibigyan ko nang malalim na kahulugan na dapat ay hindi naman!



Huminga ako nang malalim at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap ko ang isang unan at pumwesto paharap sa bintana sa kwarto ko. Kitang-kita ang nagliliwanagang mga bituin at ang bilog na buwan.



"Mr. Moon please give me a peaceful night." At unti-unti nang bumagsak ang mata ko.



Ang sakit ng mata ko kinabukasan. Parang kakapikit ko palang at ginising na agad ako. Anong oras na ba at nagmamadali si Paolo na pumunta nang beach?



Ang bigat-bigat nang ulo ko habang naglalakad papunta sa kusina. Naabutan kong nakaupo sina Red at Paolo sa may dining.



"Babe, kain na." Pag-aaya ni Paolo.



Umupo ako sa tabi niya para sumandok. Saglit pang nagtama ang mga mata namin ni Red pero umiwas din siya agad.



"Asaan si Mommy?" tanong ko sa kanila.



"Sumama sa mga kaibigan niya." sagot ni Paolo.

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon