CHAPTER 16

2 0 0
                                    

                                :)

Unang beses kong makakaranas na sumakay sa eroplano. Naimbitahan sila Mommy sa bagong bukas na resort ng kaibigan na malapit sa kanya.


Kaya naman ala sais palang ng umaga ay gising na ako. Actually, hindi ako nakatulog sa sobrang excited ko at kaba rin kasi unang beses ko makakasakay nang eroplano. Alas nwebe pa naman kami aalis dahil ang flight namin ay alas onse ng hapon.



"Excited ka siguro kaya maaga ka gumising." Sabi ni Nay Agnes, binaba niya sa harapan ko ang isang basong gatas na kakadeliver lang mula sa farm nila Mommy sa 'di kalayuan. Mukhang kakapiga lang nito galing sa mga baka.



"Excited at kinakabahan po, kasi hindi ko po alam ano pakiramdam kapag nasa himpapawid."



"H'wag ka kabahan. Hindi naman ganon nakakatakot sa eroplano, para ka lang nasa bus kapag sumakay ka doon."Sinuklay niya ang buhok ko.



"Nakasakay na po ba kayo ng eroplano?" Usisa ko.



"Oo naman. Umuwi ako ng maynila para bisitahin ang kapatid ko." Salaysay niya.



"Totoo po bang maganda ang maynila?" Umandar nanaman ang pagka-curious ko.



"Hindi, masyadong mausok at maraming tao. Delikado rin doon, maraming mandurukot.Sa madaling salita ay magulo ang Maynila, hindi kagaya rito sa Cebu na tahimik at sariwa ang hangin."



"Bakit po sabi nang kaibigan ko maganda sa Maynila?"



Ayon kasi sa kwento ni Matthew maganda ang siyudad sa maynila. Mababait ang mga tao katulad ng mga cebuano/a. Bakit ngayon ay sinasabi ni Nay Agnes na magulo sa Maynila?



"Kasi ang Maynila ay may dalawang parte 'yan. Pribelihadong tao at hindi. Marahil ang kaibigan mo ay may buhay na pribelihiyo kaya nasabi niyang maganda ang Maynila. Hindi katulad ng kapatid ko na nakatira lang sa isang komunidad na simple lang at hindi masyado nabibigyang pansin." Paliwanag niya.



Nakuha ko ang gusto niyang iparating. Parang ako ang kapatid niya noon. Noong hindi pa ako nakakatungtong dito.



Gusto niya ipaliwanag na hindi lahat ay may pribelihiyong buhay. Bawat tao ay may ibang pananaw dahil bumabase sila sa kung ano ang nararanasan at nakikita nila.



Kung para kay Matthew ay maganda ang pamumuhay sa Maynila ay dahil 'yun sa estado ng kanyang pamilya at kung saang komunidad siya nabibilang. At kung para naman kay Nay Agnes ay hindi maganda ang mamuhay Maynila ay dahil 'yun sa estado at komunidad na kinabibilangan ng kanyang kapatid.



"Parang sa madaling salita po ay hindi lahat ng tao ay pare-parehas ang pananaw. Maaring sa isa po ay maganda ang Maynila at sa isa naman po ay hindi."



"Oo, ganon nga."



Napalayo siya nang kaunti dahil biglang may pumasok sa kusina. Si Red na nakasando lang at boxer short, magulo rin ang buhok.

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon