CHAPTER 13

12 0 0
                                    

                                :)

Andaming tao nanonood sa court. Sinama ako nila Paolo sa liga kasama ang mga kaibigan ng kuya niya.



 Kumpleto ngayon ang grupo ni Red, andito si Tyler na maraming supporters. Bukod kay Blake at Noah na pinagtitilian ng babae, marami rin kay Tyler.



Nung una nga ay ayaw pa nila ako isama dahil marami raw tao at baka hindi nila ako mabantayan. Nagpumilit akong sumama dahil nabuburyo na ako sa bahay at puro pagpipinta nalang ang inaatupag ko. 



Para sa ikabubuti at ikapapanatag nila ay pinasama ni Daddy, si Gerald. May isa pa siyang pinasama saamin pero hindi ko naman naramdamn ang anino nito. Siguro nasa tabi-tabi lang ang isa na 'yon. 



"Magaling magbasketball si Sir. Cyrus." Sabi ni Gerald na may hawak na gatorade. "Parang ako lang." Dugtong niya. 



 "Naglalaro ka?" 



"Dati po, ma'am, noong highschool ako kasama ako sa varsity." Natutuwa niyang kwento. 



 Tumango lang ako. 



"Gusto niyo po ba?" Inalok niya ako nang maiinom na nakalagay sa cooler na pinadala saamin ni Mommy. 



 Kumuha ako ng tubig na medyo basa pa ang bote dahil sa yelo na natunaw na. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko dahil mainit sa court. 



Napatingin naman ko kay Gerald nang may ilabas ito sa bag na dala niya. Abaniko na pamaypay at tuwalya. Inabot niya saakin ang tuwalya at pinaypayan ako. 



 "Okay lang po, ma'am. Huwag kayo mahiya saakin." Nakangiti niyang sabi. Napansin niya siguro ang pagkailang ko sa ginawa niya.



Hinawakan ko ang palapulsuhan niya para ipatigil ang pagpaypay saakin. Mula sa maliit na bag ay naglabas ako ng mini fan na pinadala saakin ni Mommy. 



"Baka mapagod kamay mo. Meron naman ako nito." Inangat ko ang mini fan. 



 Napakamot siya sa ulo niya, "Meron ka po pala niyan hehe.." 



Lumapit sa pwesto namin ang mga naka-jersey na sila Paolo, kausap niya si Carl. Ako ang nangangawit sa leeg ni Carl, nakatingala kasi ito habang kausap si Paolo. 



"Hi Red!" Bati nung babae sa likod namin. Medyo masakit sa tenga kasi matining ang boses niya. Alam mo yung boses na kinikilig na nakakairita, ganon ang boses nung babae. 



Maliit na ngiti at saglit na sulyap lang ang bating ginawa sakanya ni Red. Binaling muli nito ang atensyon kay Blake na walang awat sa pagdaldal sakanya. 



"Back off, dude! Stop whining!" Pabirong tinulak ni Blake, si Tyler ng subukan nitong makisali sa usapan nila ni Red, "Just because I didn't come to your homecoming party, you'll be a cry baby na!" 

When life plays out (TCS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon