:)
Nanatiling nakapako ang tingin ko kay Paolo. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal magkatitigan. Hindi ko rin inaasahan na itatanong niya ang bagay na 'yon sa akin? Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan si Red at wala rin akong balak na magustuhan siya.
"Nevermind, don't answer my nonesense question." siya ang unang pumutol sa tinginan namin.
"Nagseselos ka ba sa kuya mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, hindi dapat."
"Bakit ka magseselos sa kanya? May ginawa ba kami na hindi mo nagugustuhan? Sabihin mo sa'kin para iiwasan ko." inabot ko ang kamay niya.
"Wala, Wala. Masyado lang siguro akong napapaisip sa mga bagay-bagay. Hindi kasi ako sanay sa trato sa'yo ni Kuya. Masyado siyang mabait at maalaga pagdating sa'yo, it's not his usual."
Pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya, "Wala ka dapat ipag-alala sa amin. Kapatid lang ang trato ko sa kuya mo. Hindi mo kailangan mag-isip ng kung ano-ano."
"Alam ko, siguro kakapanood ko lang 'to ng mga movies na may mga affair. Pati ako napaparanoid." tumawa siya.
Kinagat ko ang ibaba kong labi bago ibaling ang tingin kila Ate Gina, kami na ang susunod na magbabayad.
"Alright! This will be our last session." Panimula ni Ched habang may hawak na papel.
"Last? Akala ko tuloy-tuloy ang pagpunta ko rito?" Naguguluhan kong tanong.
Pumilig ang ulo niyo na parang pati siya ay naguguluhan, "Camilla, there's a certain time to treat a patient that has a trauma. As I can see from your condition, you're getting better. And you'll be better if you help yourself without me."
"Ha? Pero —"
"Nope! No pero for me! Rule no. 5 in my rule book. Let your patients find themselves. Let them discover their real strength. Minsan kasi nakakalito kung ano ba talaga ang nagpapalakas sa atin, akala natin 'yung isang bagay na 'yun ang kalakasan natin pero hindi pala —" Tumigil siya at naglakad papunta sa tapat kong upuan.
Hindi ako nagsalita nang tumigil siya sa pagpapaliwanag.
" — As I was saying, katulad ng kwento mo sa'kin noon na ang tito mo ang kakampi mo sa bahay niyo noon. Siya rin ang dahilan kung bakit ka nanatili doon at may respeto ka pa rin sa tita at mga pinsan mo. Sa madaling salita ang kalakasan natin minsan ang magttraydor sa atin. Bunga ng tiwala din ang kalakasan natin. Payo bilang kaibigan mo, mas matalas ang puso kaysa sa utak, kahit gaano ka pa katalino, hinding-hindi makikilatis ng utak kung totoo ba ang nararamdaman ng tao sa'yo."
"Pero pwede rin makita sa kilos nang tao ang totoo." dugtong ko.
"Actions can be deceiving too. Pwedeng iassume mo na special ka sa kanya pero hindi lang pala sa'yo siya ganon, marami kayo."
"Paano kung bumalik ang mga bangungot ko? Babalik ba ako dito ulit?"
BINABASA MO ANG
When life plays out (TCS#2)
FanfictionChoosing was my greatest fear. As I thought choosing was easy like choosing between two candies in front of you. But it became hard when I grew older, choosing between two people that are important to me. Red 'dos' Salvador was the brother of my fir...